^

PSN Palaro

Gilas Men 3X3 swak sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Men 3X3 swak sa quarterfinals
Naglambitin sa ring si Koji Buenaflor ng Gilas Pilipinas Men 3x3 team matapos dakdakan ang Kazakhstan sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Kuha ni Russell Palma

NAGOYA — Kinumpleto ng Gilas Pilipinas Men 3x3 ang pagwalis sa group stage papasok sa quarterfinal round ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ito ay matapos talunin mg mga Pinoy cagers ang Kazakhstan, 21-15, para sa 3-0 record sa Pool A kahapon sa Kinjo Futo Station Square Venue.

Nauna nang tinalo ng Gilas Men 3x3 team ang Asian No. 1 Mongolia (19-12) at Sri Lanka (21-12) para banderahan ang kanilang grupo patungo sa quarterfinals.

Binubuo nina Luis Pablo at Doy Dungo ng La Sa­lle, Koji Buenaflor ng UST at Biñan Tatak Gel player Nic Cabañero, lalabanan ng tropa sa quarterfinals ang Chinese Taipei bukas ng alas-5:30 ng hapon.

“Nandito na,” turo ni coach Patrick Fran sa kanyang bag na naglalaman ng scouting report at video materials sa mga Taiwa­nese. “Ready na.”

Kinuha ng Kazakhstan ang 4-1 bentahe bago nakabawi ang Gilas Men - suportado ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission—at inagaw ang 13-9 kalamangan tampok ang putback ni Buenaflor at krusyal na two-pointer ni Cabañero.

Nakadikit ang mga Kazakhs sa 12-13 matapos ang basket ni Artur Junussov.

Ngunit isang 8-3 atake ang ginawa ng Gilas Men para muling makalayo sa huling 33 segundo ng laro.

Iniskor nina Pablo at Dungo ang lima sa huling walong puntos ng Gilas Men.

May pitong puntos si Cabañero maliban sa tatlong rebounds bagama’t naglalaro na may namamagang kanang kamay na natamo niya sa panalo nila kontra sa Mongolia noong Lunes.

Nagdagdag si Pablo ng limang puntos.

Laglag ang Kazakhstan sa 1-2 marka at nakahugot kay Timur Tangiyev ng anim na puntos at walong rebounds.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with