^

PSN Palaro

Eala aarangkada na sa wimbledon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala aarangkada na sa wimbledon
Sisimulan ni Pinay tennis star Alex Eala ang kanyang kampanya sa Wimbledon Open kontra Mexican Renata Zarazua (inset).

MANILA, Philippines — Sisimulan na ni Alex Eala ang kampanya nito sa Wimbledon Championships sa pagsagupa kay Mexican Renata Zarazua sa opening round ngayong araw sa Court 12 ng All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.

Nakatakda ang pagtutuos nina Eala at Zarazua sa alas-8:50 ng gabi (oras sa Maynila).

Inaasahang ilalabas ng 21-anyos Pinay netter ang buong puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa second round kung saan posible nitong makasagupa si dating Grand Slam champion Serena Williams.

Nakatakdang harapin ni Williams si Maya Joint ng Australia sa hiwalay na first-round match.

“A possible matchup with Serena is incredible. And just to be in the same draw as her, you know, competing at the same time. It’s amazing to see her back,” ani Eala.

Ngunit sesentro muna ang atensiyon ni Eala kay Zarazua.

Hangad ni Eala na makaresbak sa Mexican netter na tumalo sa kanya (6-3, 4-6, 3-6) sa quarterfinals ng Cary Tennis Classic na ginanap sa North Carolina noong 2024.

Ibang usapan na ang Wimbledon kumpara noong una sila nagtagpo ni Zarazua.

Nasa 19-anyos pa lamang si Eala noon at nasa No. 147 sa WTA rankings.

Sa kasalukuyan, nasa No. 32 na si Eala na mas mataas kumpara kay Zarazua na nasa No. 75.

Bukod pa rito ang magandang inilaro ni Eala sa Berlin Open kung saan nakaabot ito sa semis matapos talunin ang mga bigating players na sina world No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan at world No. 8 Elina Svitolina ng Ukraine.

Naglaro rin si Eala sa Bad Homburg Open kung saan natalo ito sa first round at nakaabot sa quarterfinals sa doubles kasama si da­ting Grand Slam winner Venus Williams.

Bahagyang kabisado ni Eala ang galawan ni Zarazua dahil naging magkapares na ang dalawa  noong nakaraang taon sa French Open doubles.

“I definitely think you need to have the mindset, especially in the slam, that you can beat anyone. But then you also need to remember that anyone can beat you,” ani Eala.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with