^

PSN Palaro

3 foreign teams sasalang sa NYBL tourney

Pilipino Star Ngayon
3 foreign teams sasalang sa NYBL tourney
Mighty coach Jayvee Roxas, NYBL president Butz Arimado, team owner Jillian Roxas, marketing director Donnah Dela Cruz, Skip coach Cindrey Balignasay at asst, coach Ryan Bautista.

MANILA, Philippines — Sasagupain ng homegrown squads ang tatlong foreign teams sa National Youth Basketball League (NYBL) Philippines 1.0 Edition Invitational Youth Championships sa Hul­yo 10 hanggang 14 sa Lourdes School gymnasium sa Mandaluyong City.

Kumpirmadong lalahok ang mga koponang mula sa Dubai, Saudi Arabia at Mongolia sa pocket tournament, ayon kay NYBL president Fernando ‘Butz’ Arimado.

“Parang pampagana lang muna ito at pagha­handa na rin ng ating mga manlalaro para sa gagawin nating mas malaking tournament sa susunod na buwan,” ani Arimado kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

“Iyong passion natin sa basketball at misyon nating matulungan ang mga kabataang Pinoy na mabigyan ng pagkakataon na makalaro sa malaking liga ang motivation natin para ipagpatuloy ang NYBL,” dagdag ni Arimado sa programang suportado ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kasama ni Arimado na dumalo sa TOPS sina Pasig Mighty Juggernauts coaches Jayvee Roxas, Ryan Bautista at team owner Jillian Roxas, Antipolo Skip Basketball squad coach Cindrey Balignasay at NYBL marketing Director Donnah Dela Cruz.

“Ito ang paraan natin para matulungan ang mga kabataan sa ating barangay na ma-build iyong kanilang character. Iyong mailayo sila sa mga bisyo at makakuha ng scholarship through basketball ay malaking achievement na para sa aming organi­sasyon,” ani Jillian Roxas.

Ilan sa mga miyembro ng kanilang koponan ay mula sa De La Salle-Zobel dahilan para tagurian ang kanilang grupo na ‘team to beat’ tulad ng San Beda College.

Ang iba pang kalahok ay ang Montalban, Bataan, Extreme Defense, Siklab Bataan, RPBC, Tipas at Locked-In.

vuukle comment

NATIONAL YOUTH BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with