^

PSN Palaro

Bolts puwede pa sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts puwede pa sa quarters
Ang tear drop shot ni Aaron Black ng Meralco laban sa dalawang player ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Binuhay ng Meralco ang pag-asa sa quarter­final round matapos lusutan ang Phoenix, 82-76, sa Season 48 PBA Philippine Cup ka­hapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Tinapos ng Bolts ang da­­lawang dikit na kamalasan para itaas ang 4-5 re­cord at ibinagsak ang Fuel Masters sa 3-7.

Ang tatlong free throws ni Bong Quinto sa dulo ng fourth period ang sumelyo sa panalo ng Meralco na na­dikitan ng Phoenix sa 76-79 sa huling 20 segundo.

Kumamada si Aaron Black ng 18 points, 4 rebounds at 4 assists para pa­­munuan ang Bolts, habang may 15, 14 at 13 mar­kers sina Chris Newsome, Chris Banchero at Allein Maliksi, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni rookie Ken Tuffin ang Fuel Masters sa kanyang 14 points kasunod ang 12 markers ni Kent Salado.

Binitbit ng Phoenix ang 38-34 abante sa halftime ba­go naagaw ng Meralco ang kalamangan at iposte ang 11-point lead, 64-53, sa pagsisimula ng fourth quarter.

Nagawa itong putulin ng Fuel Masters sa 74-77 galing sa drive ni Javee Mocon sa huling 42 segundo.

Ang krusyal na jumper ni Banchero ang muling naglayo sa Bolts sa 79-74, samantalang ang tatlong foul shots ni Quinto ang tumiyak sa kanilang panalo.

Samantala, popormali­sahin ng Barangay Ginebra (6-3) ang pagpasok sa quar­terfinals sa pagsagupa sa sibak nang Converge (1-8) ngayong alas-6:15 ng gabi sa Aquilino Pimentel Jr. International Convention Center sa Cagayan de Oro.

Kinuha ng Gin Kings si free agent David Murrell bilang pansamantalang ka­palit ni injured forward Jamie Ma­lonzo.

Sa alas-3 ng hapon ay magkikita ang Blackwater (3-5) at NorthPort (4-6) sa Caloocan Sports Complex.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with