^

PSN Palaro

Mapua, Arellano hihirit ng playoffs para sa No. 4 spot

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para makahirit ng playoffs sa No. 4 spot kaila­ngan ng Mapua University at Arellano University na manalo sa pagharap sa magkahiwalay na laban sa NCAA Season 99 women’s volleyball na lalaruin sa Filoil EcoOil Arena ngayon.

Katapat ng Mapua ang San Beda University sa alas-10 ng umaga habang sasagupain ng Arellano ang Jose Rizal University sa alas-2 ng hapon.

Nakasalalay ang huling laro ng Lady Cardinals at Lady Chiefs sa pagpasok nila sa playoff, kaila­ngan nilang manalo upang makigulo sa No. 4 spot na kasalukuyang hawak ng Perpetual Help Lady Altas.

Nasa pang-apat ng team standings ang Perpetual Help na may 5-4 card habang magkasalo sa No. 5 ang Mapua at Arellano na may tig 5-3 records.

Kaya posibleng magkaroon ng three-way tie sa fourth pagkatapos ng laro ngayong araw.

Stepladder ang laba­nan sa semifinals matapos mawalis ng defen­ding champions College of Saint Benilde Lady Blazers ang nine-game elimination rounds.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with