^

PSN Palaro

UST kumuha ng lakas sa mga bashers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UST kumuha ng lakas sa mga bashers
Naisakatuparan ito ng Golden Tigresses matapos hubaran ng korona ang De La Salle University sa bendisyon ng 25-20, 16-25, 25-20, 19-25, 15-7 panalo sa Final Four na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Linggo.

MANILA, Philippines — Mabagsik ang University of Santo Tomas na pormal nang nagmartsa sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament finals.

Naisakatuparan ito ng Golden Tigresses matapos hubaran ng korona ang De La Salle University sa bendisyon ng 25-20, 16-25, 25-20, 19-25, 15-7 panalo sa Final Four na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Linggo.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng UST dahil muli itong mabibigyan ng pagkakataong maibalik sa España ang korona ng UAAP.

Nagpasalamat din si reigning Best Libero at team captain Detdet Pepito sa mga bashers ng kanilang team na nagsilbing inspirasyon para marating ang kanilang kasalukuyang estado.

“First of all, thank you to our bashers because we use them as inspiration,” ani Pepito.

Aminado si Pepito na marami ang nagduda sa kakayahan nila bago pa man magsimula ang torneo.

At ang kanilang pagpasok sa finals ang magsisilbing patunay na may ibubuga ang Golden Tigresses.

“Right from our first game this season, there were a lot of people who were looking down on us, saying ‘this team won’t make it’, but in our first game, we saw the capabi­lity of the team. We really worked hard,” ani Pepito.

Malaki rin ang pa­salamat ni Pepito sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila lalo na sa mga nasa venue na walang sawang sumisigaw upang bigyan ng lakas ng loob ang kanilang koponan.

“But I also want to thank those who believed in us win or lose. Thank you so much and thank you Lord,” ani Pepito.

Umaasa si Pepito na magtutuluy-tuloy ang kanilang panalo hanggang sa finals.

Hihintayin pa ng UST ang mananalo sa pagitan ng National University at Far Eastern University sa do-or-die semis sa Miyer­kules.

vuukle comment

SPORTS

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with