^

PSN Palaro

Celtics binalikan ng Pacers

Pilipino Star Ngayon
Celtics binalikan ng Pacers
Dinakdakan ni Indiana Pacers center Myles Turner si Boston Celtics guard Jaylen Brown.

BOSTON — Umiskor si Tyrese Haliburton ng 31 points para tulungan ang Indiana Pacers sa 123-114 pagresbak sa nagdedepensang Celtics.

Binalikan ng Indiana (16-17) ang Boston (23-9) matapos ang kanilang 37-point loss noong Biyernes.

Nagdagdag si Andrew Nembhard ng 17 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Pacers na nakahugot kina Pascal Siakam at Bennedict Mathurin ng 17 at 14 points, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Jaylen Brown ang Celtics sa kanyang 31 points at 6 assists, habang may 22 markers si Jayson Tatum kasunod ang 21 points ni Payton Pritchard.

Hindi naglaro sina star­ters Jrue Holiday (shoulder injury) at Kristaps Porzingis (sprained left ankle).

Nakabawi ang Boston mula sa isang 11-point deficit para dumikit sa 103-105 mula sa three-point play ni Tatum sa 7:38 minuto ng fourth quarter bago umiskor ang Indiana ng 13 points sa loob ng dalawang minuto patungo sa panalo.

Sa Oklahoma City, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points sa 130-106 pagmasaker ng Thunder (26-5) sa Memphis Grizzlies (22-11).

Sa Houston, kumamada si Tyler Herro ng 27 points bago napatalsik sa dulo ng fourth period kasama ang anim pa sa 104-100 pagsunog ng M­iami Heat (16-14) sa Rockets (21-11).

Sa Minneapolis, umiskor si Donte DiVincenzo ng 26 points para gabayan ang Minnesota Timberwolves (17-14) sa 112-110 paglusot sa San Antonio Spurs (16-16).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with