Gabbi, laya na!

Ang bongga ni Gabbi Garcia na nakalabas na pala sa Bahay ni Kuya.
Natupad nga niya ang matagal niyang pangarap na maging housemate at naging houseguest nga siya sa loob ng apat na araw.
Hindi raw niya makakalimutan dahil napakarami niyang naranasan sa loob ng Pinoy Big Brother gaya na lang na nagtiyaga raw siya na isang itlog lang kada araw, mag-ulam ng chichirya at kumain ng lahat ng klaseng luto ng gulay at white rice.
In fairness walang nagnega ng pagpasok ni Gabbi sa loob ha.
Naipakita pa niya ang galing niya sa hosting dahil sa tandem nila nung Esnyr sa impromptu skit nila.
Ang galing nga raw makisama ni Gabbi sa mga housemate.
Nabitin pa nga raw siya at gusto pang makaulit. ‘Kaloka.
Mukhang hindi nga raw kinaya ng schedule ni Gabbi kaya kinailangan din niya agad lumabas dahil meron pa raw itong seryeng Sang’gre.
Bongga sng naging presensya niya sa PBB.
- Latest