^

PSN Opinyon

Home of Taguro Line Cryfish Sesep's Farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang payak na landas na tinahak sa pag-aalaga ng cryfish ng may-ari ng Sesep’s Farm hanggang unti-unti mapaunlad, tinangkilik at makilala hindi lamang sa Bulacan, Central Luzon at maging sa ibang panig ng bansa.

Ang aking tinutukoy ay si Joseph Louie Miranda, owner ng Sesep’s Farm na makikita sa 293 A. Perez St., Barangay Pulong Buhangin, Sta Maria, Bulacan.

Ayon kay Joseph marami siyang negosyo na sinubukan pero dinala siya ng Panginoon sa pag-aalaga at pagpaparami ng masarap at masustansiyang cryfish.

Aniya mahilig siya sa pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng isda na kanyang libangan at bina-vlog.

Hanggang isang araw ay nag-viral ang post niya sa cryfish, kaya nag-research siya ng husto tungkol dito para masundan ang kanyang viral post at makapagbigay ng bagong impormasyon tungkol sa cryfish.

“Marami ang naging interesado sa cryfish hanggang bumuo kami ng organisasyon para sa pagpapalitan ng impormasyon kung papano ang proper care and maintenance sa cryfish,” aniya.

Ang dating libangan lang sa pag-aalaga ng cryfish, ngayon ay isa nang umuunlad na negosyo dahil sa kakaibang sarap at lasa at sustansiya ng cryfish kumpara sa ibang seafoods tulad ng hipon, crabs at iba pa na kauri nito.

Sinabi ni Joseph, ang dating kulungan nila ng baboy na matagal nang hindi nagagamit matapos tamaan ng African Swine Fever (ASF) ay ginawa niyang pond para mag-breed ng cryfish.

Pumunta pa ng ibang bansa si Joseph para dumalo ng mga seminar sa pag-aalaga ng cryfish at mag-breed ng iba’t ibang lahi nito.

Lalong nakilala si Joseph kaya itinatag niya ang Sesep’s Farm bilang Home of Taguro Cryfish sa bansa.

Tumanggap na ng iba’t ibang parangal, paglilala at recognition ang Sesep Farm mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at Non Go-
vernmental Organization (NGO).

Sa ngayon ay marami ng parukyano si Joseph sa kanyang mga alagang cryfish at patuloy pang dumarami maging ang ilang celebrity tulad ni Marvin Agustin at marami pang iba.

Ayon kay Joseph madali lang alagaan ang cryfish at maraming masarap na luto ang puwedeng gawin. “Enjoyable at profitable ang pag-aalaga ng cryfish,” ani Joseph.

Isang beses lang ang pagpapakain ng cryfish sa maghapon at isang beses sa isang linggo ang pagpapalit ng tubig.

Sa mga nagnanais bumili, mag-alaga  at matuto ng cryfish business, nagbibigay na rin ng training at seminar si Joseph.

Mag-follow at magpadala lamang po kayo ng mensahe sa kanilang FB page at Youtube na Sesep’s Farm. Sa mga nais bumisita sa Sesep’s Farm ay magpa-schedule lamang po kayo at may mabibili na rin kayong fresh or frozen cryfish.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Ngayong Linggo, November 1, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Joseph Louie Miranda sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay na ngayon ay Season 24 na.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with