Tamang ehersisyo para hindi mapilay (sprain)
Ang sprain o pilay ay nangyayari kapag ang iyong litid ay nawala sa porma o napunit. Ang pilay ay kadalasang nangyayari sa iyong bukong-bukong, tuhod at paa. Masaki ito at mabilis na namamaga. Sa pangkalahatan, kung mas matindi ang sakit, ibig sabihin ito ay sobrang napinsala.
Para maiwasan ang pilay:
1. Mag-warm up para lumuwag at mabanat ang muscles bago magsimula ng ehersisiyo. Unti-unting dagdagan ang antas ng gawain sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Kung ikaw ay madaling magkaroon ng pananakit ng kalamnan, mag-apply ng mainit bago mag-ehersisyo.
2. Umpisahan ng paunti-unti - Kung nais sumubok ng bagong sport, dagdagan ang antas ng sport ng dahan-dahan sa loob ng ilang linggo.
3. Iwasan ang mga sport na maaaring makapinsala. Huwag sobrahan ang gawain.
4. Magpalamig o cool down pagkatapos ng ehersisyo.
5. Gumawa ng mga cross-training - Maaaring subukan ang iba’t ibang gawain sa parehong workout na pagpalit-palitin ang gawain simula sa unang araw hanggang sa susunod.
Tandaan: Itigil agad ang gawain kung nakararanas ng pananakit ng dibdib, hindi normal na tibok ng puso, pagkahilo o pamumutla, hirap sa paghinga, sobrang pagod, sobrang pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan at pamamaga ng kasu-kasuan.
- Latest















