^

PSN Opinyon

Supporters laging talo sa madugong halalan!

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Nakagigimbal ang nangyari sa kauna-unahang Bangsamoro Autonoumous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections (BPE), dahil sa kabila ng libu-libong pulis na ipinakalat ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa rehiyon, sumiklab pa rin ang ­matinding karahasan doon.

Sa tala ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, apat na tagasuporta ng magkalabang partido ang patay habang marami pa ang sugatan sa Cotabato City, Mayroon ding naitalang election-related violence sa Basilan.

Hindi na tayo natuto, bakit kailangang magbuwis ng buhay para lang sa mga pulitiko. Maibabalik at mababayaran ba ng ating iniidolong pulitiko ang mga nawalang buhay!?

Dapat na tayong magising sa katotohanan, kailangan lang tayo ng mga kandidato kapag halalan. Okay lang naman na suportahan sila kung naniniwala tayo sa kanilang kakayahan na magsisilbi ng totoo sa mga constituents. Pero, walang maidudulot na maganda sa atin ang karahasan at kawalan ng disiplina.

Tayong mga ordinaryong nilalang ang laging talo! Ang mga pulitiko, kahit talo sa eleksyon, nasa marangya pa rin silang pamumuhay kaya huwag ibigay ang buhay para sa walang kuwentang layunin.

Sa tala ng PNP, pitong election violence incident ang nangyari sa BPE. Tatlo rito ang barilan na nangyari sa Basilan, Cotabato City, at Maguindanao de Sur. Tatlo naman ang pambobomba sa Cotabato City habang may narekober ng IED (improvised explosive device) sa Basilan. Hindi pa kasama rito ang pag-atake naman ng mga supporters at pinagsisira ang nakaparandang 2 SUV na pag-aari ng kalabang partido sa Sinsuat Avenue malapit sa pinagdarausan ng eleksyon sa Cotabato City.

BARMM

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with