Alamin ang sintomas ng pneumonia
Ang pneumonia ay impeksyon sa air sacs ng ating mga baga. Maaaring mapuno ng tubig o nana ang baga na magdudulot ng pag-ubo na may kasamang plema o nana. Makakaranas din ng lagnat, chills at hirap sa paghinga. Maaaring maging mild lang ang pneumonia ngunit kapag napabayaan ay maaaring maging life-threatening at nakakamatay lalo na sa mga sanggol, bata, matatanda na edad 65 pataas at mga taong may mahinang immune system.
Senyales at sintomas:
1. Pananakit na dibdib kapag humihinga o umuubo
2. Nalilito o nagbabago ang mental awareness
3. Ubo na may kasamang plema
4. Laging pagod
5. Nilalagnat, nagpapawis at nilalamig
6. Nahihilo, nagsusuka o nagtatae
7. Hirap huminga
Kapag nakaranas ng mga sintomas at senyales na nabanggit, siguruhin na pumunta sa inyong mga doktor. Kapag hindi naagapan ang pneumonia, maaaring mauwi ito sa bacteria o pagkakaroon ng bacteria sa dugo na nagdudulot ng organ failure. Maaaring magdulot din ito ng hirap sa paghinga kaya magkukulang sa oxygen sa katawan at kakailanganin ma-ospital upang magamot ito. Maaari ring magkaroon ng pleural effusion o pagkakaroon ng tubig sa baga o nana.
Para maiwasan ang pneumonia, magpabakuna laban sa pneumonia at flu, panatilihin ang pagiging malinis sa katawan, iwasan ang manigarilyo, matulog ng sapat, mag-ehersisyo at kumain ng masusustansyang pagkain upang mapalakas ang resistensya.
- Latest




















