^

PSN Opinyon

Enjoy lang kahit malungkot

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Mga kapatid, nalulungkot ka ba ngayon?

Nalulungkot dahil sa iniwan.

Nalulungkot dahil sa namatay.

Nalulungkot dahil sa hindi natupad na pangarap.

Nalulungkot na walang dahilan. Basta lungkot lang.

Normal ‘yan. Tao tayo.

Kahit si Jesus, nalungkot din. Umiyak din Siya.

Kaya ‘wag mong sabihin na “mahina” ka dahil nalulungkot ka.

Sa psychology, ang lungkot ay hindi kalaban.

Signal ‘yan na may mahalaga sa’yo.

Ang problema lang, ‘pag kinulong mo ang lungkot sa loob mo.

Kaya mga kapatid, Enjoy lang kahit malungkot!

Paano? Hindi ibig sabihin na magpatawa ka.

Ibig sabihin, ‘wag hayaang lunurin ka ng lungkot.

Ito ang 3 simpleng Lunas:

1. Iyak lang

Kung gusto mong umiyak, umiyak.

Hindi kahinaan ang pagluha. Ito ay paglilinis ng puso.

“Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila.” Mateo 5:4

Pagkatapos umiyak, gagaan.

2. Kausapin si Lord

Hindi mo kailangan ng magandang dasal.

“Lord, malungkot po ako. Tulungan Niyo po ako.” ‘Yun lang.

Si Lord hindi natutulog. Nakikinig Siya kahit bulong lang. Nakikinig S’ya sa iyong mga hinaing. Isiwalat mo sa Kanya ang iyong lungkot at mga problema.

Ang tawag d’yan sa psychology: catharsis. Ibuga natin ang ermotional toxin natin kay Lord.

3. Gumawa ng munting bagay

Maligo. Magkape. Magdilig ng halaman. Mag-text sa kaibigan.

Huwag mong hayaang manalo ang lungkot sa higaan.

Isang maliit na galaw. Isang maliit na ngiti.

Tandaan:

Ang lungkot ay hindi panghabang-buhay.

Parang ulan lang. Uulan, tapos titila din.

At pag tumila, may bahaghari.

Hindi mo kailangang maging masaya agad.

Ang kailangan mo lang: huwag sumuko.

Kaya ngayong araw, ngayong Sabado: Enjoy lang kahit malungkot!

Dahan-dahan lang. Isang araw lang.

Alam ni Lord ang sakit mo. At kasama mo Siya dyan.

Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal!

Kita-kits po ulit tayo bukas, Linggo, sa isa pang “Enjoy lang!”

MALUNGKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with