Likod sumakit sa laba, linis at cellphone
Marami ang sumasakit ang likod, baywang at tuhod dahil sa gawaing bahay.
Alamin at mali at tamang parang ng pagtrabaho sa bahay.
1. Sa pagwawalis ng bakuran, sumasakit ang likod.
Maling gawi: Nakayuko o naka-kuba o nakatungo ang ulo at balikat
Tamang paraan: Lagyan ng mahabang hawakan ang walis tingting. Para deretso ang spine o gulugod habang nagwawalis.
2. Sa paghuhugas ng plato, pagluluto at pag-plantsa, sumasakit ang sakong, tuhod at likod.
Maling gawi: Nakatayo sa matigas na sahig ng matagal na oras.
Tamang paraan: Kumuha ng mababang patungan ng paa tulad ng bangkito para ipatong ang isang paa. Una ang kanan tapos ang kaliwa naman, palitan ang pagpatong ng paa para hindi mahirapan ang spine o gulugod. Pwede rin tumuntong sa malambot na kutson para hindi sumakit ang sakong at tuhod. Umupo kapag naghihiwa ng lulutuin.
3. Sa paglalaba, sumasakit ang likod.
Maling gawi: Nakaupo sa bangkito.
Tamang paraan: Sa ibabaw ng mesa ilagay ang labahan. Para makaupo ka sa normal na silya habang naglalaba.
4. Sa paglilinis ng sahig sumasakit ang tuhod.
Maling gawi: Nakaluhod sa baldosa o semento kaya sumasakit ang tuhod.
Tamang paraan: Kumuha ng luhuran na malambot tulad ng nasa simbahan. Puwede rin gumamit ng mop na may hawakan.
5. Sa paggamit ng cellphone sumasakit ang leeg.
Maling gawi: Nakatungo ang ulo.
Tamang paraan: Ideretso ang leeg at hawakan ng mataas ang phone sa harap ng mata.
- Latest


















