^

PSN Opinyon

PRO6, pinoprotektahan ang kalikasan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

WALANG patawad talaga si PRO6 director Brig. Gen. Ran­dulf Tuaño pagdating sa illegal fishing at pagsira ng kalikasan. Kung ang pigura noong nakaraang Hulyo ang gagawing basehan, mukhang walang puwang kay Tuaño itong pang­haharabas ng mga Pinoy na sangkot sa dynamite fishing at sa pagputol ng mga kahoy. Kasi nga mga kosa, umabot sa 473 katao ang inaresto ng mga tauhan ni Tuaño sa mag­kakahiwalay na operasyon laban sa illegal na pangingisda at pagto-troso. Dipugaaaaa!

Kung nagagawa ito ni PRO6 director, sa ibang rehiyon kaya? Tanong lang po! Ayon kay Tuaño, ang magandang resulta ng operasyon ng kanyang mga tauhan ay patunay ng matatag na paninindigan ng PRO6 sa pangangalaga ng kalikasan habang sinusuportahan ang komunidad na umaasa sa likas ng yaman pang-kabuhayan. Mismooooo!

Iginiit ni Tuaño na ang tagumpay ng PRO6 sa panga­ngalaga ng kalikasan ay sama-samang pananagutan ng pulisya, LGUs, komunidad, mga stakeholders at iba’tibang ahensiya ng gobyerno. “Patuloy na makikipagtulungan ang ating kapulisan sa mga katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang ating mga kagubatan, ilog, at karagatan para sa susunod na henerasyon,” ani Tuaño. “Mananatili tayong matatag sa pagpapatupad ng batas habang tinitiyak na ang bawat isa ay tinatrato nang may katarungan at paggalang,” ang dagdag pa n’ya. Wow na wow! Saan ka pa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nagtala ang PRO6 mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 31 ng 486 operasyon, kabilang na ang 219 anti-illegal fishing­, samantalang 267 naman ang sa anti-illegal logging. Uma­bot sa 376 katao na sangkot sa illegal na pangingisda ang naaresto na nagresulta sa pagkumpiska ng isdang nag­kakahalagang P422,660. Kinustodiya din ng kapulisan ang kagamitan tulad ng bangkang-de-motor, at iba pang na may kabuuang halagang P31 milyon. Suwabeeeee!

Habang sa kampanya kontra pagto-troso, naaresto ang 95 katao at nakumpiska ang mga table na may kabuuang P1 milyon at uling na P125,180 ang presyo. “Ipinakikita nig resulta ang patuloy na pagsisikap ng rehiyon na pangalagaan ang likas na yaman habang mahigpit na ipinatutupad ang mga batas na nagpoprotekta sa kalikasan,” ani Tuaño. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Hinimok ni Tuaño ang publiko na maging mapagmatyag at agarang mag-ulat vs mga illegal na gawain upang protektahan ang kagubatan, ilog, at baybayin. Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with