^

PSN Opinyon

Bullying na nauuwi sa karahasan

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Hindi na simpleng tukso o biro ang bullying sa mga paaralan. Ang panibagong insidente ng pananaksak ng Grade 9 student sa kanyang kaklase sa Las Piñas City kamakailan ay matinding paalala na ang pang-aapi, kapag hindi natutugunan, ay maaaring lumala at humantong sa trahedya. Ang mga bata at kabataan na araw-araw na binubugbog ng salita, pangungutya, o pisikal na pananakit ay nagdadala ng sugat na hindi agad nakikita hanggang sa ito’y sumabog sa anyo ng karahasan.

Ang bullying ang tila madalas na nagiging ugat ng trahedya sa mga paaralan. Ang paulit-ulit na pang-aapi ay nagdudulot ng depresyon, anxiety, at galit na naiipon. Maraming kabataan din ang walang outlet para mailabas ang nararamdaman dahil maaaring takot silang magsumbong, walang tiwala sa guro o magulang. Minsan nga sa kaibigan pa nag-o-open pero madalas sinasarili na lang. Kapag hindi na kaya ng biktima, minsan ay nauuwi sa marahas na tugon.

Hindi sapat na sabihing “bata pa ’yan, nagbibiro lang.” Ang paaralan, magulang, at pamahalaan ay may tungkulin na tiyakin ang kaligtasan ng kabataan.

Kapag pinabayaan ang bullying, hindi lang bata ang nasasaktan, buong komunidad ang nagdurusa. Panahon na para gawing seryoso ang laban kontra pang-aapi, bago pa ito muling mauwi sa dugo at luha.

BULLYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with