^

PSN Opinyon

‘Gunman sa halagang P5K’

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Sa kanyang panayam sa The Hague, binanggit ni Vice President Sara Duterte ang isang hypothetical example: “isang asawa na maaaring umupa ng gunman sa hala­gang P5,000 para patayin ang kabit ng kanyang mister.” Ginamit niya ito upang ipakita na laganap ang gun violence sa Pilipinas.

Ang pahayag ni VP Sara ay tila simpleng halimbawa lamang, pero sa mata ng publiko, mabigat ang implikasyon. Sa isang bansang matagal nang binabagabag ng karahasan, ang pagbabanggit ng ganoong senaryo ay hindi basta biro o retorika.

Kung totoo ngang may mga “gun-for-hire” na handang pumatay sa murang halaga, malinaw na may malalim na sugat ang ating lipunan, isang sugat na hindi natutugunan ng mga batas at programang pangseguridad. Ang masaklap, ang mismong Bise Presidente ang nagsalita tungkol dito. Ngunit imbes na magbigay ng konkretong hakbang, nanatili itong halimbawa lamang.

Ang tungkulin ng isang mataas na opisyal ay hindi lamang magpahayag ng problema, kundi maglatag ng solusyon. Ang pagbibigay ng datos, testimonya, o impormasyon sa pulisya ay mas makabuluhan kaysa sa pagbibitiw ng mga linyang nakakapangamba.

Sa kabilang banda, tama rin ang punto ng Palasyo. Kung may alam ang Bise Presidente, dapat siyang tumulong sa pagpigil. Ang pagiging lider ay hindi natatapos sa pagtukoy ng mali. Ito’y nasusukat sa kakayahang kumilos upang maitama ang mali.

Ang halagang P5,000 ay hindi lamang numero. Isa itong simbolo ng kawalan ng halaga ng buhay sa mata ng mga kriminal. At kung ang ating mga pinuno ay magsasalita tungkol dito, dapat ay may kasunod na kongkretong aksyon hindi lamang halimbawa, kundi hakbang tungo sa pagbabago.

SARA DUTERTE

THE HAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with