^

PSN Opinyon

Uminom ng maligamgam na tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May benepisyo ang pag-inom ng maligamgam at sapat na tubig bawat araw:

1. Magandang panunaw -- Ang mainit na tubig ay sinasabing madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas maraming tubig sa na-konsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapan dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta ng malalang consti­pation o pagtitibi at magresulta ng iba pang problema.

2. Para maging regular ang pagdumi -- Kung kumpleto sa rami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madali ito para mailabas.

3. Magandang sirkulasyon -- Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansya sa ating katawan.

4. Nakakabawas ng stress -- Ang isang tasang maligam­gam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.

5. Magkaroon ng mas maayos na tulog -- Ayon sa re­­search, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para ma-relax ang katawan at makatulog. Maiiwasan din ang magising sa madaling araw, para maging malakas sa susunod pang mga araw.

6. Mabuti sa tiyan -- Ang maligamgam na tubig ay naka­tutulong sa maayos na pagtunaw ng ating kinain. Para ma­­kapasok ang sustansya sa ating katawan.

Babala lang: Mag-ingat na hindi mapaso sa pag-inom ng mainit na tubig.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with