Ugaliin itong pitong pampatalas sa sarili

Nag-viral ito online, mga payong sentido-komon:
• Walang asukal nang 30 araw – Walang tsokolate, walang softdrinks, walang nakatagong matamis. Makalipas ang ika-20 araw, bubuti ang iyong kutis, sigla, at pag-iisip. Mababatid mo na kontrolado pala ng asukal dati ang mood mo.
• Uminom ng limang litrong tubig tuluy-tuloy ng 21 araw - Mahirap pero kaya. Maraming tao ay dehydrated. Pakiramdam nila ay anxiety. Kailangan lang pala ng utak ay tubig.
• Walang screens nang 14 araw bago matulog - Ilapag ang mobile, huwag silipin ang reels, itigil ang texting. Sa wakas, makapagpapahinga ang utak mo na matagal nang hinihingi nito.
• Meditation araw-araw nang 21 araw – Sampung minuto lang. Umupo, manahimik, marahang huminga nang malalim. Pakiramdaman ang pag-expand ng katawan kada inhale. Huwag pansinin kung may nanonood sa iyo. Kailangan mo ito dahil sa gulo na nararamdaman mo sa paligid.
• Rumamdam ng lamig nang 30 araw – tapusin ang ligo nang isang minutong malamig na tubig. Masasanay ang isip na may kontrol.
• “Mawala” ng tatlong oras nang isang linggo. Mag-disconnect. Walang telepono, walang ibang tao. Ikaw lang: solitude. Dito nagsisimula magklaro ang pag-iisip.
• Mag-journal ng 30 araw – sa gabi isulat ang mga ginawa, mga pinagdaanan at ikinapagod, mga babaguhing gawi. Mababatid mo ang mga leksiyon na taon para matutunan ng iba.
Mga payo ito ni Piyush Shukla, kasapi ng Linden Capital Partners, kumpanyang healthcare sa Chicago. Eksperto siya sa relasyon ng katawan, isip, kaluluwa.
••••
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest


















