^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panganib ng HB 8389: Patibong, hindi reporma

Pilipino Star Ngayon

Sa unang tingin, ang pagpasa ng Kamara sa House Bill No. 8389 o Anti-Political Dynasty Act ay makasaysayang tagumpay. Ngunit mariin itong binansagan ng mga malalaking samahan ng mga negosyante at civic groups sa bansa, kabilang ang Makati Business Club (MBC), Management Association of the Philippines (MAP), FINEX, at PPCRV, bilang isang malaking panlilinlang. Ayon sa kanila, ito ay hindi reporma, kundi tahasang “pro-dynasty bill”.

Napakalakas ng mensahe ng mga grupong ito: ang HB 8389 ay sadyang binalangkas upang protektahan ang mga kasalukuyang nakapuwesto. Ang masaklap na ironiya ay isinulat ito ng mga mambabatas na nagmula mismo sa political dynaties, partikular sina House Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos. Ayon sa business sector, imposibleng magmula ang totoong anti-dynasty law sa isang Kongre­song pinamumugaran ng mga dinastiya.

Nagbabala ang mga grupo na sa halip na buwagin ang monopolyo sa kapangyarihan, ga­gawin pa itong legal ng naturang panukala. Dahil hanggang second degree of consangui­nity lamang ang sakop nito, lusot na lusot ang mga tiyuhin, tiyahin, at magpipinsan. Pinapayagan din nito ang magkakasabay na pag-upo sa iba’t ibang antas ng gobyerno. Sa ilalim nito, maaaring kontrolin ng iisang pamilya ang pag­ka-gobernador, kongresista, at mayor sa isang pro­binsya, habang may kapamilya rin silang nakaupo bilang senador o presidente.

Higit pa rito, binatikos ng sektor ng kalakalan ang pag-legalize ng batas sa “unlimited succession” at “position switching,” kung saan mala­yang nagpapalitan at nagpapasa ng pwesto ang magkakamag-anak na parang ipinamanang negosyo. Babala nila, ang ganitong konsentras­yon ng politikal na kapangyarihan ay pumipigil sa patas na kumpetisyon, humahadlang sa pag-unlad, at kumokontrol sa pondo ng bayan para sa interes ng iilang pamilya.

Kaya naman malinaw at nagkakaisa ang pa­nawagan ng mga negosyante at civic leaders: dapat ibasura ng Senado ang HB 8389 at i-veto ito ni President Ferdinand Marcos Jr. kapag umabot sa kanyang mesa.

Bilang alternatibo, isinusulong nila ang pag­suporta sa People’s Initiative sa ilalim ng kam­panyang “Dapat Isa Lang” na naglilimita hang­gang fourth degree ng kamag-anakan. Sapat na ang halos apat na dekadang paghihintay at panlilinlang. Panahon na upang ang taumbayan­ mismo ang gumamit ng kanilang kapang­yarihan para wakasan ang pag-angkin ng iilang pamilya sa gobyerno.

KAMARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with