Paano ibaba ang blood sugar
1. Bawasan ang simpleng carbohydrates: Limitahan ang puting kanin, puting tinapay, patatas, at pasta. Mas magandang piliin ang brown rice, oatmeal, o wheat bread sa maliit na porsyon.
Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber: Ang fiber ay nagpapabagal sa pagsipsip ng asukal. Kumain ng mga gulay tulad ng ampalaya, okra, kangkong, spinach, at broccoli.
Palamigin muna ang kanin o pasta ng 12 - 24 oras sa ref bago ito initin muli para lumilikha ng resistant starch. Binababa nito ang glycemic index ng pagkain.
2. Uminom ng sapat na tubig: Tinutulungan ng tubig ang mga bato (kidneys) na ilabas ang labis na asukal sa pamamagitan ng ihi. Iwasan ang mga fruit juice at softdrinks.
3. Mag-ehersisyo nang regular: Ginagamit ng mga kalamnan ang asukal bilang enerhiya, kaya bumababa ang antas nito sa dugo.
4. Matulog ng 7-8 oras sa gabi: ‘pag kulang sa tulog ay tataas ang glucose.
5. Bawasan ang stress: Ang stress ay naglalabas ng cortisol na nagpapataas ng glucose.
6. Inumin ang tamang dosis ng gamot sa diabetes.
- Latest















