‘Safer Western Visayas,’ ang primary goal ni Gen. Tuaño!”
May 10 tagubilin ang bagong hepe ng PRO6 na si Brig. Gen. Randulf Tuaño sa kanyang mga tauhan upang masiguradong magiging mapayapa at tahimik ang Western Visayas. Malakas ang paniwala ni Tuaño na kapag naisakatupan itong kanyang “Ten Commandments” hindi mapariwara ang kanyang mga tauhan, imbes makamtan nila ang minimithing tagumpay.
“Ang direksyon natin sa ngayon ay ang mas pinaigting na police visibility, mas agresibong anti-criminality at anti-illegal drugs operations,” ayon kay Tuaño. Siyempre, kasama na d’yan ang mas mabilis na pagtugon sa mga concerns ng publiko sa pamamagitan ng mas aktibong police presence sa mga komunidad, intelligence-driven operations, at mas mahigpit na monitoring sa mga areas of concern. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Upang makamtan ang primary goal na “Safer Western Visayas,” ang kanilang operations, ayon kay Tuaño, ay sa pamamagitan ng “responsive, trusted at transformative policing.” Alam ni Tuaño ang pinagsasabi n’ya mga kosa dahil nagsilbi s’yang Public Information Officer ng PNP sa liderato ni PNP chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Kabisado n’ya ang mga programa at proyekto ni Nartatez kaya’t t’yak hindi maliligaw si Tuaño sa paggiya sa kanyang mga tauhan tungo sa “Safer Western Visayas.” Purbidang yawaahhhhh! Get’s n’yo mga kosa?
Pinalitan ni Tuaño si Brig. Gen. Josefino Ligan, na na-transfer bilang deputy chief ng Directorate for Operations sa Camp Crame. Ayon kay Tuaño ang kanyang panunungkulan ay hindi lang simpleng pagbabago ng liderato kundi simula ng mas pinagtibay na pagkakaisa at pagtutulungan sa loob ng organisasyon. “Ang aking pagdating dito sa PRO6 ay hindi simula ng isang tao lamang, kundi simula ng mas pinatibay na pagkakaisa, mas malapit na paglilingkod, at mas matatag na paninindigan para sa kapayapaan ng Western Visayas,” ani Tuaño. Dipugaaaaa!
Ayon kay Tuaño, ang tunay na serbisyo publiko at nasusukat hindi lang sa mga programa, kundi sa tuloy-tuloy na dedikasyon ng bawat pulis. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sinabi ni Tuaño na palalakasin pa n’ya ang mga nasimulang programa ni Ligan sa PRO6. “Hindi sapat na nakikita ang pulis sa lansangan. Ang mahalaga, nararamdaman ng mamamayan na nariyan tayo para sa kanilang seguridad, kapayapaan at pang-araw-araw na buhay,” aniya.
Idinagdag pa ni Tuaño, na sa liderato n’ya, ang hanay ng kapulisan ay hindi lang tungkol sa pagpatupad ng batas, kundi sa kakayahang makinig, umunawa at maglingkod ng may malasakit. “Kaya hinihikayat ko ang bawat isa na ipagpatuloy ang kultura ng disiplina, integridad, malasakit at propesyonalismo,” ang pagtatapos ni Tuaño. Sanamagan! Abangan!
- Latest



















