^

PSN Opinyon

Panukalang pagbabago ng rules sa Senado, pang-sariling interes!

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Gigil na gigil muli ang mga Senador mula sa minorya na tinaguriang “Solid bloc 11” kay Sen. Rodante Marcoleta nang kanyang itulak na baguhin ang rules ng Senado para mabigyan ng pagkakataon ang mga kasamahan sa majority bloc na makaboto kahit na wala ang kanilang presensya sa gaganaping impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang layunin, ayon sa mga Senador kaya kanya-kanya silang kontra sa plano ni Marcoleta na naiuwi sa kanilang pag-walkout sa plenaryo.

Iginiit ni Sen. Erwin Tulfo na tila nais ni Marcoleta na palitan ang rules para maisali ang mga wala o absent sa nakatakdang impeachment trial tulad na lang ng International Criminal Court (ICC) fugitive na si Senator Bato na patuloy na nagtatago sa batas.

Dalawa rin sa mga Senador sa mayorya ang sinasabing lalabasan ng warrant of arrest.

Kaya kung iisipin nga naman, magpapahina sa pundas­yon ng majority bloc kung malalagasan sila ng mga mi­yembro na may mga kaso at posibleng sa selda ang bagsak o kaya ay magtatago sa kabundukan.

Sa pamamagitan nga naman ng videoconferencing, maaari silang sumawsaw sa mga deliberasyon hanggang sa botohan sa Senate trial upang maisalba si VP Sara.

Sa pagtaya ng mga netizens, ang interes ni Marcoleta ay patuloy na maging matatag ang kanilang “numero” upang mabigo ang anumang pagtatangka ng kudeta para kontro­lado nila ang Senado at steady sa puwesto si Senate Presi­dent Alan Peter Cayetano.

At kung mananatiling matatag ang kanilang bilang, kahit pa guilty sa mga mata ng taumbayan, kaya nilang sagipin ang kanilang manok na si VP Sara na posibleng mahatulan ng “guilty” sa impeachment trial kapag napatunayang matibay ang mga ebidensya laban sa kanya.

Iginiit din ng mga Senador at mga kongresista na walang sapat na dahilan si Marcoleta sa pagpapalit ng Senate rules sa impeachment trial dahil wala namang pandemya.

Sabi nga ng Malacañang, walang kalamidad o anumang sitwasyon na maituturing na “force majeure” na magbibigay katwiran sa pagbabago ng tuntunin ng Senado tungkol sa panukala ni Marcoleta na “kaluwagan” sa pagboto kahit pa sa isang pugante o inmate.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with