^

PSN Opinyon

Maitim na balak: Halalan, iaatras

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ninanakaw ng Kongreso ang ating karapatang humalal. Inaatras na naman ang barangay at sangguniang kabataan elections (BSKE) sa 2028 imbis na Nov. 2, 2026. Ito’y maski inatras na nila ang dapat na BSKE nu’ng Dec. 2025.

Sari-saring palusot ang ginagawa para sa postponement:

Panukala ni Senator Chiz Escudero na gawing limang taon ang termino ng barangay at SK officials na hinalal nu’ng Oct. 2023. Kesyo raw magiging mas matatag ang mga barangay. Pero dati nang limang taon ang termino. Ginawang apat na taon ng Kongreso. Ngayon ibabalik na naman sa lima. Lokohan na!

Animnapung kongresista ang nagpapanukala rin ng BSKE sa 2028. Kesyo raw may krisis ngayon dahil sa Iran war; kesyo raw nagmahal lahat ng bilihin dahil sumipa ang presyo ng petrolyo.

Kesyo raw mas magkakaron ng panahon ang barangay at SK officials para sa mga proyekto kung iatras ang naka­takdang eleksyon sa Nov. 2, 2026.

Philippine Star

Kesyo raw hindi dapat sa Nov. 2 kasi Undas, malaking piyesta opisyal kung kailan umuuwi sa tinubuang probinsya ang mga botante. E sino ba ang nagtakda na gawing unang Lunes ng Nobyembre ang halalan kundi sila-sila rin?

Ito ang totoong pakay nila, ani batikang election lawyer Romulo Macalintal. Kapag iatras ang halalan sa 2028 mag­kaka-utang na loob sa mga senador at kongresista ang ba­rangay at SK officials. Ikakandidato nila ang mga ito. Magiging loyal sila sa mga politiko imbis na sa mga botante.

Ang masaklap ay ito. Gumasta na ang Comelec ng P8 bilyon para sa paghahanda sa BSKE sa Nov. 2026. Mahigit kalahati rito ang ma-aaksaya, ani Comelec chairman George Garcia. Halimbawa, mapapanis ang indelible ink na isang taon lang ang bisa.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with