^

PSN Opinyon

Hindi Pamana ang Kapangyarihan  

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Tatlong salita ang dapat tandaan ng Kongreso ngayon: panahon nang kumilos.

Hindi ito simpleng panawagan ng isang grupo o personalidad.

Galing mismo sa Supreme Court ang direktiba: kailangang tuparin ng Kongreso ang tungkulin nitong gumawa ng batas laban sa political dynasties.

At ang nakakagulat? 39 taon na ang lumipas. Mula nang pagtibayin ang 1987 Constitution, malinaw na nakasaad na dapat garantiyahan ang pantay na pagkakataon sa serbisyo publiko at ipagbawal ang political dynasties ayon sa batas.

Pero hanggang ngayon, wala pa ring komprehensibong batas na tumutupad dito. Kung tutuusin, sapat nang panahon ang 39 taon para makapagpatayo ng maraming gusali, makagawa ng maraming programa at makapagpasa ng napakaraming batas.

Pero ang isang batas na matagal nang hinihintay ng Konstitusyon, hindi matapos-tapos. Hindi naman ibig sabihin na masama ang isang tao dahil lamang galing siya sa political family. Hindi rin kasalanan ng isang kandidato ang pagkakaroon ng kilalang apelyido.

Ang problema ay kapag ang kapangyarihan ay paulit-ulit na umiikot sa iilang pamilya at nahihirapan ang mga bagong mukha na magkaroon ng patas na pagkakataon sa politika.

Dito nagiging mahalaga ang anti-dynasty law. Pero huwag nating kalimutan: ang tunay na laban ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng batas.

Ang laban ay kung anong klaseng batas ang ipapasa. Malinaw dapat ang depinisyon. Malinaw ang saklaw. Malinaw ang mga bawal at ang mga exemption.

At higit sa lahat, hindi dapat magkaroon ng mga butas na maaaring gamitin ng sinuman upang lampasan ang layunin ng batas. Sinabi rin ng Supreme Court na ang Konstitusyon ay hindi nagbibigay sa Kongreso ng kalayaang ipagpaliban nang walang hanggan ang tungkuling ito.

Ang Kongreso ang may kapangyarihang tukuyin kung ano ang political dynasty at kung gaano kalawak ang pagbabawal. Kaya ngayon, nasa kamay ng mga mambabatas ang susunod na hakbang.

Hindi kailangang tanungin kung sino ang kanilang kamag-anak. Mas mahalagang itanong: handa ba silang gumawa ng batas na maaaring tumama maging sa sarili nilang pamilya? Dahil ang puwesto sa gobyerno ay hindi mana.

Hindi ito apelyidong ipinapasa sa susunod na henerasyon. Ito ay tiwalang ipinahihiram ng taumbayan. At ang tiwalang iyon ay hindi dapat maging pag-aari ng isang pamilya

KAPANGYARIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with