^

PSN Opinyon

Mahirap disiplinahin ang Pinoy

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Kung dati ang mga No Contact Apprehension Policy (NCAP) cameras ay nakatutok sa mga lumalabag sa trapiko, ngayon ay gagamitin na itong “mata” para hulihin ang mga nagtatapon ng basura sa kalye, estero at kanal. Isang makabagong ideya ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre na tila sagot sa lumalalang problema ng kalinisan. Kaya lang, sapat ba ang teknolohiya para turuan ng disiplina ang Pinoy?

Binanggit ni Torre na may nasampolan silang driver ng TNVS na nagtapon ng upos ng yosi sa kalye habang naghihintay ng pasahero. Isang misis din ang nahagip ng NCAP camera na nagtapon ng basura sa estero mula sa hawak na dustpan.

Sa totoo lang, napakahirap disiplinahin ng mga Pinoy. Pero ‘pag nasa ibang bansa biglang nagiging masunurin. Takot na mapahiya o ma-deport. Sa abroad, ramdam kasi agad ang presensya ng awtoridad at malinaw ang parusa. Sa Pinas, madalas nakikita ng tao na ang batas ay nababaluktot kaya hindi natatakot.

Halimbawa, sa Singapore, kahit maliit na basura ay may mabigat na multa. Mahigpit ang batas nila laban sa littering at suportado ng CCTV, kaya’t halos walang basura sa kalsada. Sa London, surveillance cameras ang gamit nila laban sa fly-tipping, na may kasamang mabigat na multa at public shaming. Sa Japan, bagama’t hindi NCAP, nakaugat sa kultura ang disiplina, kaya’t mababa ang kaso ng littering. Kapag malinis at maayos ang paligid, nahihiya ang tao na magkalat. Pero kapag sanay sa magulo, nagiging normal na lang ang paglabag.

Kung ang NCAP cameras ay makatutulong sa pagbawas ng kahit 10% ng littering, malaking ginhawa ito sa lungsod at sa mamamayan.Pero kung talagang nais ng gobyerno na maging ­epektibo ang NCAP laban sa basura, dapat itong samahan ng kamay na bakal. Ang kamera ay maaaring maging mata ng batas, ngunit ang tunay na solusyon ay nasa pagbabago ng ugali na mukhang mahirap nang baguhin sa karamihan ng Pinoy.

MMDA

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with