13-11
Kinapos ang bilang ng grupo ng napatalsik na si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto kahit na ang dalawang senador na nag-abstain sa pagpapalit ng liderato ng Senado ay sumapi sa kanila.
Ang madramang pag-usad ng kapangyarihan ay nagdulot ng malaking pagbabago sa politika sa biglaang paglutang ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na matapos ang anim na buwang hindi pagpapakita, ang naging mitsa upang makuha ng pro-Duterte bloc ang eksaktong 13 boto na kailangan upang ideklarang bakante ang lahat ng posisyon na mabilis na sinundan ng nominasyon at pag-upo ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang lider ng Senado.
Sa botong 13-9 at dalawa ang nag-abstain sa katauhan nina Senators Migz Zubiri at JV Ejercito ay napatalsik si Sotto sa puwesto.
Subalit, pagkatapos ng isang araw ay sumapi na sina Zubiri at Ejercito sa minorya kaya’t ang bilang ay 13-11 na hindi pa rin umabot para maibalik sa puwesto si Sotto kahit pa umugong na magkakaroon ng bagong kudeta na kung nangyari ay walong araw lang naupo sa puwesto si Cayetano.
Sa gitna ng tensyon, pormal na nagpulong ang Senado bilang isang impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte na ikinabahala ng mga nagsulong ng impeachment dahil sa umano’y kakampi ng 13 senador si VP Sara.
Ang tanong ng bayan ay kung paano hahawakan ng bagong mayorya na binubuo ng 13 senador ang napakaselang usaping ito lalo’t marami sa kanila ay naiulat na nahaharap din sa mga isyu at imbestigasyon.
Dahil sa mga intriga sa pulitika, ang alyansang 13-11 ay nananatiling marupok. Ang kawalan o hindi pagdalo ng ilang senador sa mga sesyon dahil sa iba’t ibang kadahilanan (tulad ng mga isyu sa Warrant of Arrest) ay nagpapababa sa numerong ito na maaaring magresulta sa mabilis na pagpapalit muli ng liderato.
Para sa isang mas malalim na pagsusuri sa kung paano pinanatili ni Cayetano ang kanyang kapangyarihan sa kabila ng mga banta ng panibagong coup sa Senado, yan ang aabangan.
- Latest
















