Gen. Peñones, puro trabaho lang!
WALANG ingay. Walang drama. Puro trabaho. Ito ang description na ibinigay ng mga pulis sa bagong promote na si Maj. Gen. Ponce Rogelio “Pojie” Peñones Jr, ang hepe ng PNP Directorate for Operations. Hindi biro ang hamong hinaharap ng DO sa kasalukuyan. Bagamat hindi ito ang yunit na direktang nagsasagawa ng mga operasyon sa lansangan, ang DO ang nagsisilbing tagakumpas, tagapag-ugnay, at tagapagbigay ng policy direction sa 10 functional units ng PNP—ang Maritime Group, Aviation Security Group, Highway Patrol Group, Air Group, Police Security and Protection Group, Civil Security Group, Special Action Force, EOD/K9 Group, Anti-Kidnapping Group, at PNP Drug Enforcement Group. Dito sa DO hinuhubog ang direksyon. Dito pinagdurugtong ang koordinasyon. Dito inihahanda ang PNP para sa mga hamon bago pa man ito maramdaman sa ibaba. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kabilang ng hamon sa DO ay ang pagbibigay ng policy direction, pagpaplano, at koordinasyon para sa seguridad ng mga mahahalagang pambansa at pandaigdigang kaganapan tulad ng mga aktibidad kaugnay ng ASEAN, ASEANAPOL, ang nagpapatuloy na impeachment proceedings vs VP Sara sa Senado, ang nalalapit na anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo, at ang paghahanda para sa BARMM Parliamentary Elections. Siyempre, kasama na d’yan ang SONA ni President Bongbong Marcos. Marahil, ang mga hamon na ito ang tunay na sukatan ng liderato. Hindi lamang ang dami ng operasyon. Hindi lamang ang dami ng accomplishment. Kundi ang kakayahang magtaas ng pamantayan, magbigay ng direksyon, at ihanda ang organisasyon sa mas malalaking hamon sa hinaharap. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kaya’t hindi nagkamali si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na isalpak si Peñones sa DO. Sa kanyang panunungkulan sa DO, hindi lamang pinaganda ni Peñones ang tanggapan. Mas mahalaga, itinaas niya ang pamantayan ng trabaho, naglatag ng mga inobasyon, at nagbigay ng bagong direksyon sa isa sa pinakamahalaga at pinakaabalang directorate ng PNP. Kasabay nito, binigyan din niya ng pansin ang kapakanan ng mga tauhan. Mismooooo!
Nararapat lang talaga ma-promote sa … kamuntik na…si Peñones. Abangan!
- Latest




















