^

PSN Opinyon

Imahe ng Senado nabahiran

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Ang Senado, na dapat ay haligi ng demokrasya at simbolo ng dignidad, ay muling nabalot ng kontrobersiya. 

Mula sa biglaang pagkudeta laban kay Senate President Tito Sotto, hanggang sa muling paglitaw ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nakipaghabulan pa sa NBI agents at kalaunan ay nauwi pa sa barilan sa loob ng bulwagan, tila naging entablado ng kaguluhan imbes na talakayan ang Senado.

Ang kudeta laban kay Sotto ay nagpakita ng matinding hidwaan at banggaan ng interes sa loob ng Senado. Ang pagbabalik ni Dela Rosa, na dala ang bigat ng kasong ICC ay nakadagdag sa tensiyon. At nang umabot sa barilan, tuluyan nang nabasag ang imahe ng Senado bilang lugar ng mahinahong deliberasyon at pagbagsak ng disiplina.

Sa mata ng masa, malinaw ang larawan - mga senador na nag-aagawan sa kapangyarihan, barilan sa bulwagan, at isang institusyong dapat magtanggol sa bayan ngunit ngayo’y nagiging pugad ng kaguluhan. “Bakit nagkaganyan ang Senado?,” tanong ng mga miron.

Sa mas malalim na pagsusuri, ang serye ng pangyayari ay nagpapakita ng krisis sa pamumuno at disiplina ng institusyon. Ang kudeta ay indikasyon ng matinding banggaan ng interes. Ang barilan ay simbolo ng kawalan ng kontrol at respeto sa proseso. At ang pagbagsak ng imahe ng Senado ay nagbubukas ng tanong: Paano ­muling mababawi ang tiwala ng publiko?

Pumangit na ang imahe ng Senado at hindi na ito nakikita bilang haligi ng demokrasya, kundi arena ng kaguluhan.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with