^

PSN Opinyon

May ‘bayag’ ang ‘di tumatakbo!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

USAP-USAPAN ngayon ang mga eksenang kinasang­kutan ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa nang pumasok ito sa gusali ng Senate of the Philippines. Kasi nga, kitang-kita ang pagtatakbo ni Bato habang hinahabol ito ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) upang isilbi ang Warrant of Arrest na kinumpirma ng International Criminal Court (ICC). Tila isang blockbuster na pelikula ang napanood ng sambayanan dahil todo-todong aksyon na walang cut ang kanilang napapanood sa kuha ng CCTV ng Senado. Hehehe!

Kaya’t nang makapasok itong si Bato dela Rosa sa loob ng Session Hall ng Senado ay halos nagka-utal-utal ito na halos mapugto ang hininga sa hingal. Ang masaklap dala­wang daliri nito ang nasugatan, dala marahil ng kanyang pagkadapa sa hagdanan. Gets nyo mga suki?

Sa lobby ng Senado ay bigla namang lumutang itong si dating Senador Antonio Trillanes na may dalang Warrant of Arrest para kay Bato dela Rosa. Kaya naman nagpuputok ang butse nitong si Bato dahil bakit nakapasok itong si Trillanes kasama ang mga ahente ng NBI. Hehehe!

Kaya’t mula ng araw ng Lunes naging tensyonado na ang buong gusali ng Senado hindi lang dahil sa naging matagumpay na pagpalit ng Senate President sa katauhan ni Alan Peter Cayetano na nataon naman na iyon din ang araw na paghahain ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Naging tampulan tuloy ng usap-usapan kung sino ang may ‘Bayag’ kina Bato at Tril­lanes. Lumalabas na itong si Trillanes ang napili ng mga Marites ng Bayan. Hehehe!

Kasi nga tinupad ni Trillanes ang hamon ni Bato na su­mama pa ito sa pag-aresto sa kanya. Get nyo mga suki. At habang naglulungga itong si Bato dela Rosa sa malamig na gusali ng Senado nagkaroon na naman ng gulatan mata­pos magkaroon ng sunud-sunod na putok ng baril sa ikalawang palapag ng Senado o sa pagitan ng GSIS office matapos i-lockdown ang buong gusali habang kumakabog ang mga dibdib ng ilan nating mga kasamahan sa Media. Huhuhu!

Sanay na ang ating mga kapatid sa hanapbuhay sa mga ganitong sitwasyon kaya’t kahit na itaboy pa ang mga ito ay hindi basta-basta kakalas dahil ang nais nila ay mai-kober ang buong pangyayari at maiparating sa madlang pipol.

Ang masaklap lang, ang ating bida na si Bato dela Rosa ay naglaho sa loob ng gusali ng Senado. Ito ngayon ang masusing iniimbestigahan ng mga kapulisan upang matukoy ang mga responsable sa pagpapatakas kay Bato. Mukhang pinaikli pa lalo ni dela Rosa ang kanyang nilalandas dahil lalo lamang mag-uulol ang mga ahente ng NBI at maging ng mga kapulisan ni PNP Chief P/Gen. Melencio Nartatez Jr na mahuli ito. Kaya’t kung may ‘Bayag’ itong si Bato panahon na sumuko ito nang matiwasay upang malinis niya ang kanyang sarili at maging ang kahihiyan na idinulot nito sa mga Senador. Abangan!

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with