Gov. Castro isama mo sa dalangin na mapalinis ang water supply
Sa pagdalaw ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa lalawigan ng Capiz matapos na pangunahan ang oath-taking ng mga Maestra na maitaas ang kanilang Salary Grade at posisyon sa Department of Education bilang mga guro abay, maraming sa mga kababayan kong mga Ilonggo ang nakadama ng abot langit na kaligayahan.
Kasi nga, sa dami-rami ba namang trabaho ng Pangulong BBM abay, binigyan niya ng importansiya na makadaupang palad ang mga Capiznon. Kaya naman ang mga pamosong seafoods ang pangunahing inihain kay PBBM at sa mga delegado nito upang makatikim sila ng pinakamasarap at sariwang seafoods ng lalawigan. Hehehe!
Ang matindi rito, halos lahat ng mga Local Government Units officials ang dumalo maging ang mga dating mga gobernador ng probinsiya ay sama-sama sa naturang okasyon kaya wala na munang politika. Kaya naman, labis din naman na naligayahan itong si PBBM sa mainit na pagtanggap sa kanya at ng kanyang mga delegado sa pangunguna ni Department of Education Secretary Sonny Angara.
Kaya’t nang ihayag ni PBBM ang kanyang mensahe sa mga newly promoted na mga teachers ay nagiging kaabang-abang pa para sa mga dumalo. Kasi nga nais ng mga Capiznon na mismong kay PBBM manggaling ang mga makatotohanang proyekto para sa buong lalawigan ng Capiz. Nagsawa na kasi sa puro paasa ang mga Capiznon sa mga ipinangakong proyekto ng mga nagdaang administrasyon.
Sa totoo lang maraming naging matataas na opisyales ng pamahalaan na nagmula mismo sa lalawigan ng Capiz kabilang na riyan itong pagtalikod sa responsibilidad noong lumpuhin ng bagyong Yolanda ang naturang lalawigan. Hehehe! Alam na yan ng mga kababayan ko kung sino-sino ang mga ito. Hehehe!
Samantala, may nais sanang iparating itong ilang kong mga kababayan kay Capiz Gov. Oto Castro patungkol sa Water Supply ng ilang bayan ng probinsiya. Kasi nga, tila mga pipi at bingi ang mga LGUs sa paghihirap ng mga consumers hinggil sa supply ng tubig na dumadaloy sa kanilang mga gripo, bukod kasi sa mabaho, may kalawang at may ilang lugar na parang ihi na lamang ng kambing ang lumalabas sa kanilang gripo.
Kaya’t nais nitong aking mga kausap na isama narin sa dalangin ni Capiz Gov. Fredenil ‘Oto’ Castro ang kanilang karaingan sa Water Providers ng mga bayan ng Capiz upang mautusan na naman ang ‘Sugo ng Dios’ upang kastiguhin itong mga tusong water suppliers. Kasi nga kung mapabuti ang daloy ng tubig sa mga gripo nitong aking mga kababayan tiyak na malaki ang kanilang matitipid sa pag-iigib ng tubig na pangsaing at panglaba na mas kailangan ng kanilang pamilya.
Calling Gov. Castro, paki kastigo nga itong mga LGUs at isama nyo na rin dito itong mga ahensiya ng Department of Health upang masuri ang kalidad ng tubig na nagpapabaya sa kanilang trabaho dahil ang isa sa pinaka-pangunahing kailangang serbisyo ng mga Capiznon ay ang malinis na tubig na dumadaloy sa kanilang napaka-mahal na bayarin sa Water Providers. Abangan!
- Latest















