Utot ng utot: Mahangin ang tiyan
Karamihan sa hangin sa ating tiyan (flatus) ay mula sa ating malaking bituka (colon). Ang utot ay nabubuo dahil sa fermentation ng hindi natunaw na pagkain, gaya ng fiber ng gulay.
Ang utot ay nabubuo kapag ang iyong digestive system ay hindi pa lubusang natutunaw ang pagkain.
Ang iba pang pinagmumulan ng utot ay ang pagbabago ng intestinal bacteria dahil sa gamot, ang paglunok ng hangin at constipation o pag-titibi.
Tips para mabawasan ang sobrang hangin sa tiyan:
1. Bawasan ang mga pagkaing nagpapa-utot sa iyo. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins. Hindi ibig sabihin nito ay tanggalin lahat ito sa iyong mga kakainin, ‘yun lamang sobrang nakasasama sa iyo.
2. Pansamantalang itigil muna ang pagkaing mataas sa high fiber. Ibalik na lang pakonti-konti paglipas ng ilang linggo.
3. Umiwas sa mamantikang pagkain. Mabagal ang pagtunaw ng mantika at taba.
4. Kumain ng mabagal. Ang pagkain ng mabilis ay nakasasama sa pagtunaw o digestion natin.
5. Ang pag eehersisyo ay maganda sa tiyan. Maglakad-lakad sandali para bumaba ang kinain mo.
- Latest















