^

PSN Opinyon

‘May diploma, pero walang trabaho’

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Ang bawat graduation ay puno ng tuwa — toga, diploma at pangarap. Lalo na sa mga magulang na, sa kabila ng hirap ng buhay, naigapang ang matrikula, baon at lahat ng gastusin para makita ang kanilang anak na nakasuot ng toga. Ang kanilang luha ng tagumpay ay patunay ng sakripisyong walang kapantay. Ngunit sa likod ng ngiti ng mga bagong graduate, may nakakubling tanong: “May trabaho ba akong papasukan bukas?”

Taun?taon, libu?libong kabataan ang nagtatapos sa kolehiyo. Ngunit sa halip na oportunidad, ang sumasalubong sa kanila ay kawalan ng trabaho, ­kontraktuwalisasyon, at mababang sahod.

Ang datos mula sa mga labor surveys ay nagpapakita ng mataas na unemployment rate sa kabataan.

Marami ang napipilitang magtrabaho kahit wala namang kaugnayan sa kanilang tinapos na kurso gaya ng isang guro na nagiging call center agent, engineer na nagiging sales clerk, nurse na nagiging domestic helper sa ibang bansa.

Dahil sa job mismatch ay maraming kabataan ang hirap makahanap ng trabaho. Ang resulta, nakasabit na lang ang diploma sa dingding, dahil walang kabuhayan na maaasahan.

Ang gobyerno ay tila walang malinaw na programa para tugunan ang agwat sa pagitan ng edukasyon at trabaho. Hindi sapat ang mga job fair na panandalian lamang at mga pangakong “skills training” na walang kasiguraduhan. Kailangan ng malinaw na plano para sa youth employment.

Ang diploma ay hindi dapat maging tiket sa kawalan ng pag?asa, kundi pasaporte sa mas maayos na kinabukasan.

TOGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with