^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi napapanahon pagtataas ng tuition fee

Pilipino Star Ngayon

SABI ng Commission on Higher Education (CHED), marami raw higher education (HEIs) o mga pribadong kolehiyo at unibersidad ang humihiling na magtaas sila ng tuition fee sa darating na school year 2026-2027. Hindi binanggit ng CHED kung gaano karami ang HEIs na humihirit na magtaas ng matrikula pero noon pa raw humihiling ang mga ito.

Sabi ni CHED Chairperson Shirley Agrupis, pinakiusapan nila ang HEIs na ipagpaliban muna ang planong pagtataas ng tuition fee dahil hindi ito napapanahon. Sinabi pa ni Agrupis na nauunawaan nila ang kalagayan ng HEIs dahil sa pagtaas ng mga pangangailangan ng isang higher education institution, nakiusap sila sa mga ito at naintindihan naman nila. Ayon pa kay Agrupis, patuloy pa silang makikipag-usap sa HEIs bilang bahagi ng kanilang coordination efforts sa mga bagay na may kinalaman sa pagtataas ng tuition fee.

Sinabi ng CHED chairperson na natutuwa sila at naintindihan ng HEIs ang kasalukuyang kalagayan o oil crisis para hindi ituloy ang pagtataas ng tuition fees. Ang pahayag ay ginawa sa pagdalo sa isang pulong balitaan para sa ceremonial signing ng implementing rules and regulations (IRR) ng Labor Education Act (Re­public Act No. 11551) at paglagda ng memorandum of agreement para sa Lifelong Learning­ Education Assistance Program for Overseas Filipino Workers.

Daming Pilipino ang nakaranas ng grabeng hirap mula nang magkaroon ng sigalot sa Middle East noong Pebrero 28, 2026. Sinalakay ng Israel at United States ang Iran at pinasabog ang oil refineries ng mga ito.

Gumanti ang Iran at isinara ang Strait of Hor­muz sa Persian Gulf. Apektado ang mga nag­dedeliber ng crude oil sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas. Ang Hormuz ang tanging­ ruta na dinaraanan ng mga oil tanker. Ang mga nagpipilit dumaan ay binobomba ng Iran.

Labis nang apektado ang buhay ng mga Pili­pino dahil sa oil crisis. Dapang-dapa na ang ma­­rami partikular ang mga nagdarahop. Dahil tumaas ang bilihin, hirap na hirap silang makaraos sa pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa survey ng Synergy Market Research and Strategic Consultancy noong Abril, apat sa 10 Pilipino ang nahihirapang matugunan ang kanilang pangangailangan dahil sa epekto ng pagtataas ng presyo ng langis at inflation. Pinakamataas itong antas ng hirap mula noong Setyembre 2022, kung saan kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing lumubha ang sitwasyon ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na anim na buwan kaya ang pagtataas ng tuition fee ay hindi napapanahon. Mabuti naman at nakaunawa ang HEIs at hindi pinagpilitan ang kanilang kahilingan.

TUITION FEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with