^

PSN Opinyon

Cigarette smuggling, walang puwang sa PRO12!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

WALANG puknat ang operation ng mga tauhan ni PRO12 Brig. Arnold Ardiente laban sa cigarette smuggling at kri­minalidad para mapanatili ang kaayusan at seguridad sa kanyang hurisdiksiyon. Binigyan kredito ni Ardiente ang epek­tibong pagpatupad ng kanilang alternative policing approach sa kanilang mga tagumpay. “Proactive, intelligence-driven, at may matibay na koordinasyon sa komunidad. Kaakibat ng Safer Cities Program, patuloy nating pina­palakas ang police presence at mabilis na pagtugon upang mapanatiling ligtas ang ating mga lugar,” ani Ardiente. Walang pala­tandaan na titigil na itong mga tauhan ni Ardiente. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa ulat ni Ardiente, pinaigting ng kanyang mga tauhan ang checkpoint operations, mobile patrols, at intelligence-driven monitoring upang pigilan ang daloy ng illegal na siga­­rilyo sa kanyang sakop. Ito ay alinsunod sa direktiba ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na puksain ang cigarette smuggling sa Pinas na maliwanag pa sa sikat ng araw na economic sabotage ito.

Noong Abril 18, magkakahiwalay na operasyon sa Sultan Kudarat at South Cotabato ang ikinasa na nagresulta sa pagkakasamsam ng higit ?1.1 milyong halaga ng smuggled cigarettes. Sa Lebak, naharang ang isang mini van na may kargang undocumented na sigarilyo na nagkakahalaga ng ?410,726.40. Sa Columbio, nahuli ang isang indibidwal habang nagbababa ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ?106,024.32. Sa Sto. Niño, dalawang katao ang na­aresto matapos madiskubre ang imbakan ng smuggled cigarettes sa loob ng isang bahay na tinatayang ?641,760.00 ang halaga. Tsk tsk tsk! Hehehe! Hindi tsamba ang mga operation na ito, di ba mga kosa?

Sinundan pa ito ng operasyon noong Abril 20, sa Mlang, Cotabato kung saan tatlong indibidwal ang naaresto habang nagbababa ng 350 reams ng hinihinalang smuggled FORT cigarettes mula sa isang commuter van. Tinatayang ?490,000.00 ang halaga ng mga nasamsam. Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon sa barangay at Bureau of Customs, na may maayos na dokumentasyon at imbentaryo.

Lahat ng mga suspek ay naaresto in flagrante delicto at sasampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.Mismooooo!

Sa hiwalay na operasyon kontra ilegal na droga noong Abril 22, sa Polomolok, South Cotabato, dalawang high-value individuals ang naaresto sa buy-bust operation ng RPDEU12 katuwang ang PDEA. Narekober ang humigit-kumulang 51.5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ?350,200.00, kasama ang drug paraphernalia at buy-bust money. Ang mga ebidensya ay sumasailalim na sa forensic examination. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga! Abangan!a

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with