^

PSN Opinyon

VP Duterte: Saan galing ang P6.7 bilyon?

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, isang bilang ang hindi na matakasan: P6.7 bilyon sa mga transaksyong na-flag ng Anti-Money Laundering Council. Hindi ito sim­pleng numero. Isa itong mabigat na tanong na direktang inu­­ugnay kay Vice President Sara Duterte at nga­yo’y naka­pako sa pambansang diskurso.

Mas lalong lumalalim ang usapin dahil sa saklaw ng panahon—mula 2006 hanggang 2025—halos dalawang dekada ng tuluy-tuloy na galaw ng pera mula sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Davao City hanggang sa pagiging VP. Hindi ito magkakahiwalay na yugto kundi isang buo at magkakaugnay na financial trail—isang daloy na hindi basta maaaring pagputul-putulin kung ang layunin ay maunawaan ang kabuuan at konteksto nito.

Mariing iginiit ng kanyang mga abogado na dapat limi­tahan ang pagsusuri sa kanyang termino bilang Vice Pre­sident simula 2022—P60.1 milyon lamang ang saklaw. May bigat ang argumentong ito, ngunit nananatili ang tanong kung sapat ba ito upang ipaliwanag ang mas malawak na galaw ng pondo.

Para sa mga imbestigador, malinaw ang prinsipyo. Sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act of 2001, mahalaga ang kabuuang pattern. Ang pera ay may sariling kuwento —isang kuwento na hindi sumusunod sa timeline ng pulitika.

Dapat ding idiin: ang pagiging “flagged” ay hindi katumbas ng pagiging “illegal”. Ngunit sa mata ng publiko, ang laki ng P6.7 bilyon ay sapat upang magbukas ng seryosong pagdududa at mag-udyok ng mga tanong na hindi basta matatahimik ng teknikal na depensa.

Mas tumitindi ito dahil sumasalpok sa imaheng payak at simple na matagal na iniuugnay sa kampo. Kahit ang ‘DDS’ ay hindi mananatiling tahimik kapag pera ang pinag-uusapan at kung walang malinaw na paliwanag.

Ang tanong: kung may daan-daang milyong piso ang dumaan sa mga account ngunit “zero” ang idineklara sa SALN sa anim na taon—ano ang tunay na pinagmulan, paano ito umikot, at saan ito napunta? May impresyon ng “cleansing” sa katapusan ng taon at muling galaw sa bagong taon—nagdudulot ng pagdududa.

Sa huli, transparency at accountability ang susi. May impeachment man o wala, ang sagot sa 6.7 bilyon ang magiging sukatan ng tiwala ng bayan—at maaaring makaapekto sa kanyang 2028 presidential run.

ANTI-MONEY LAUNDERING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with