Mayor Teves, dapat managot sa ghost flood control!
FLASH Report: May nakitang tatlong baril sa table ng firearm examiner ng Forensic Unit ng Manila Police District. Burado na ang FAIS number ng mga baril. Itong FAIS number mga kosa ay ini-engrave sa baril bago ito i-submit sa FU. Kung may masamang balak man ang firearm examiner, naagapan naman ito dahil itinabi at kinustody ng evidence custodian ang mga baril. Tsk tsk tsk! Baka maudlot ang promotion ni Forensic Group director Col. Pierre Paul Carpio sa isyung ito.
* * * * *
NAGHUGAS kamay si Naujan Mayor Henry Teves sa bilyones na ghost flood control sa munisipalidad n’ya. Sinabi ng mga kosa ko na ang palusot n’ya sa ngayon ay hindi na raw kailangan ang building permit sa maanomalyang flood control project dahil hindi naman ito vertical construction. Abayyyyy inilalayo ni Teves ang sarili sa flood control scam, di ba mga kosa? “Negligence at its finest.” Anong sey n’yo mga kosa? Siyempre, sunud-sunuran lang sa ama si Phanie Teves, ang municipal administrator ng Naujan. Itong ghost flood control project ay under investigation ng House at Senado. Dapat managot din itong mag-amang Teves dahil sa kanilang kapabayaan sa anomalyang ito, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng mga kosa ko na sa unang sultada, ipinagmalaki ni Mayor Teves itong proyektong ito dahil malaking tulong ito sa kanyang munisipalidad. Subalit matapos maibulgar na bilyones ang nawalang parang bula ang pondo, biglang walang alam si Mayor Teves sa proyekto. Aniya, biktima rin s’ya nito. Araguyyyyy! Sa totoo lang, hindi ito simpleng DPWH project na palaging ginagawa. Bulto ang halaga ng proyekto ito, at next to impossible na hindi alam ito ni Mayor Teves. Get’s n’yo mga kosa? Sa ganitong sistema ni Teves, abayyyyy marami pang maanomalyang proyekto ang puwedeng mangyari. Dipugaaaaa! Walang alam o sadyang nagbulag-bulagan lang si Mayor Teves? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Itong ghost floor control project sa Naujan mga kosa ay biglang sinuspende ni DPWH Secretary Vince Dizon matapos makita ang seryosong iregularidad. Sa kanyang inspection kasi, nakita ni Dizon ang “multiple overlapping problems” sa 1.5 kilometrong proyekto, kasama na ang major discrepancy sa masterplan nito. Inireport pa na ang proyekto ay “100 percent completed” noong 2025, subalit maliwanag pa sa sikat ng araw na nakatiwangwang pa ito. Inilarawan naman ni Gov. “Bonz” Dolor na “subs-tandard and overpriced” ang proyekto. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Aabutin kaya ng delubyo ng Senado at Kongreso si Mayor Teves? Abangan!
- Latest















