PPCPO Director sinibak sa puwesto!
NASIBAK ura-urada itong hepe ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) P/Col. Cristine Tabdi matapos na masangkot sa pakipagbarilan ang kanyang mga tauhan na ikinamatay on the spot ng 2 niyang pulis at isang kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa isang lamayan.
Kasi nga may mga huring-huring na nasa impluwensiya ng alak itong kanyang mga tauhan ng sumugod sa isang lamayan diyan sa may Zone 13, Barangay Irawan, Puerto Princesa City.
Ayon sa kumakalat na balita ay una munang nagkaroon ng komosyon na nauwi sa suntukan na kinasasangkutan umano ng mga pulis noong gabi ng Abril 3 sa labas ng lamayan. Matapos ang komosyon ay nagsipulasan na itong mga sangkot sa rambulan subalit makalipas ang ilang sandali ay may isang sasakyan umano na kulay itim ang huminto at naglabasan ang mga sakay nito. Agad na tinungo ang bahay ng isang kasapi ng BuCor at doon na nagkaroon ang sunud-sunod na alingawngaw.
Kaya’t ng humupa na ang putukan ay tumambad sa mga residente roon ang mga nakahandusay at wala ng mga buhay na mga opisyal. Bagamat kaagad na nagresponde ang mga kapulisan maging ang mga personnel ng BuCor sa pagkalap ng mga ebidensiya at witnesses abay, ang unang napagtuunan ng pagkasibak sa puwesto ay itong si P/Col. Cristine Tabdi.
At dahil sa nakakaunsyaming kahihiyan sa imahe ng Philippine National Police (PNP) agad na pinalitan ni P/Col. Dennis Ladub De Leon mula sa PNP-National Headquarters si P/Col. Tabdi. Ito marahil ay upang magkaroon ng patas na imbestigasyon sa 2 namatay na opisyal ng PNP na sina PSSG Ryan Cris Cabana at PSSG Jayson Fernandez na nakatalaga sa Police Station 2 at CO1 Jerson Ojario Talon ng BuCor.
Kung sabagay hindi lamang ang isidenteng ito ang sumira sa kredibilidad ni P/Col Tabdi dahil may mga nauna ng insidente na naganap sa kanyang Area of Responsibility na sina Atty. Joshua Abrina at dating CAAP personnel na si Joanna Infante kayat parang kidlat na umakson ang PNP National Headquarters para sibakin siya sa puwesto. Get nyo mga suki!
- Latest
















