^

PSN Opinyon

Panatisismo lumalaganap

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Panatisismo lumalaganap

Pinupuna ng sociologists ang pagdami ng mga umano’y “BBM fanatics” at “Diehard Duterte Supporters”. Kinukum­para nila ito sa panatisismo ng Nazi Germany kay Hitler nu’ng World War II. Hindi na raw sinusuri kung tama o mali ang ginagawa nina President Bongbong Marcos at VP Sara Duterte. Basta iniidolo lang sila.

Hindi lang sa Pilipinas ito nangyayari. Sa maraming bansa ay labis na tinitingala rin ang mga lider. Si Vladimir Putin sa Russia, Donald Trump sa America, Xi Jinping sa China, Kim Jong Un sa North Korea, at Ayatollah Ali Khamenei sa Iran.

Nangyayari ito dahil sa pagkamuhi ng mga mamamayan sa lumalalang sitwasyon nila. Halimbawa, pakiramdam ng Russians ay pinagkakaisahan sila ng mga ibang bansa sa Europe. Kaya dapat daw ay gumanti sila. Nakakagulat na pati Russian Orthodox Church ay hinihikayat ang mga pari na sumapi sa army na lumulupig sa kapit-bansang Ukraine.

Paniwala ng mga kasapi ng Make America Great Again ay naghihirap sila dahil sa illegal aliens at mga liberals. Tuwang-tuwa sila na inaaresto at dine-deport ni Trump ang libu-libong imigrante kada araw. Binabawi ni Trump ang magagastos na programang sinimulan ng Democrats para sa mga napapabayaang sektor.

Matindi ang indoctrination ng China Communist Party sa mamamayan. Nagiging ambisyon ng maraming bata na sumapi at maging opisyal ng CCP. Paraan ito para yumaman at magka-poder.

Kulto na ang pamilya ni Kim Il-sung na nagtatag sa North Korea. Naging habangbuhay na president rin ang anak niyang si Kim Jong-il. At ngayon ay diktador ang apo na Kim Jong Un. Pinapatay nito ang sariling kapatid para lang makamit ang posisyon.

Araw-araw ang protesta ng kabataan kontra sa theo­cracy sa Iran. Pero pinapatay sila ng mga maka-Kha­menei. Binabaril sa mukha. Nu’ng January ay 22,000 umano ang pinaslang na demonstrador.

BBM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with