^

PSN Opinyon

Fr. Farmer - among Aris

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Nasa puso ang pagsasaka... 

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang makulay na buhay sa pagsasaka ng isang pari na lalong kilala bilang “Father Farmer” ng Pampanga.

Ang aking tinutukoy ay si Rev. Fr. Aristotle Maniago o “Father Farmer”. Kura paroko ng Virgin delos Remegios, Parish na makikita sa Brgy. Balite, San Fernando Pampanga.

Si Father Aris ay isinilang sa Brgy. San Roque (Tuklong), Santa Ana, Pampanga.

Kapwa magsasaka ang kanyang mga magulang at pamilya.

Maliit pa lamang si Father Aris ay bihasa na sa pagsasaka at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas sa pamama-
gitan ng organikong pamamaraan.

Hanggang ma-ging ganap na pari ay nanatili sa kanyang puso at isipan ang pagsasaka. Kaya ang pagtatanim at pagsasaka sa Barangay Tuklong ay dinala sa iba’t ibang parokya sa Pampanga.

Kahit saan ma-assign si Fr. Aris ay nagtatanim siya at nagtuturo ng organic farming sa mga parishioners niya.

Lahat ng gulay na nabanggit sa kantang bahay kubo ay naitanim na ni Fr. Aris.

Mayroon din “botika” sa garden si Fr. Aris dahil ang iba’t ibang medicinal plant ay may tanim siya. Bukod pa ang mga tanim na kakaibang variety ng ube, sweet kamote at matamis na tubo.

Majority sa mga harvest ni Fr. Aris ay kanilang ginagamit para sa feeding program ng simbahan. Ang iba naman ay binebenta para may pagbili ng panigabong buto o seeds na itatanim.

Nag-aalaga din ng bee si Fr. Aris kaya naman libre na ring nakukuha sa kanyang garden ang masarap na masustansiyang honey. Bukod sa pagtatanim ay animal lover din si Fr. Aris.

“Dati galit ako sa mga pusa kasi naman ay kinakain nila ang mga alagang kung sisiw na manok, bibi at maliit na rabbit,” ani Fr. Aris.

“Pero noong duma-
ting sa buhay ko ang kuting na si “Putot” ay masisinan ko siyang kinausap na kumbinsihin ang ibang pusa na huwag kainin ang aking mga alaga,” aniya. Matapos kausapin, hindi na kinain ng ibang pusa ang kanyang mga alaga.”

“Si ‘Putot ang siyang naging tulay para mawala ang galit ko sa mga pusa at siya ang naging daan para mag-rescue pa ng aso at pusang inabandona at pagala-gala,” sabi pa ni Fr. Aris.

Napakarami pang nakalatag na programa ni Fr. Aris kaya naman bukas ang kanyang parokya sa mga may ginintuang puso na nais magbigay ng donasyon at kahit anong tulong sa kanyang simbahan.

Sa mga gustong tumulong ay magpadala lamang po kayo ng mensahe at mag-follow sa FB page na Fr. Farmer - Among Aris at Fr. Aris Maniago or mag-text sa 0917-626-42-09 o kaya naman ay magsadya ng personal sa Virgin delos Remedios Parish, Baliti, San Fermando, Pampanga.

Ano man po ang inyong ibigay na donasyon ay hindi masasayang sa halip ay malaking tulong ito sa mga magagandang programa at adbokasiya na pagpalaganap ng organic farming ni Fr. Aris.

Ngayong Linggo, March 29, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

MANIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with