NPA na may 16 kaso, tiklop kay Gen. Silvio!
40th Anniversary PSN!
* * * * *
‘PAG may tiyaga, may nilaga.
Ang matandang kasabihan na ‘yan ay pinatotohanan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sa pagkahuli sa NPA cadre na si Bobby Calsiyao sa kanyang lungga sa East Fairview sa Quezon City.
Ayon kay Nartatez, si Calsiyao ay squad medic ng Ilocos-Cordillera Regional Committee at wanted sa 16 kaso, ilan dito ay walang bail. Araguyyyyy! “Matagal na nating hinahanap ang suspek na ito, at ngayon ay napapanagot na natin sya sa batas. Ang mensahe natin sa lahat: walang ligtas na lugar para sa mga taong may kaso sa korte. Kapag may warrant, hahanapin ka at dadalhin sa hustisya,” ayon kay Nartatez. Pinuri na naman ni Nartatez si QCPD director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio dahil sa diligence at professionalism nito. Wow na wow! Saan ka pa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Silvio na si Calsiyao ay may arrest warrants sa kasong murder, tatlong frustrated murder, destructive arson, at 11 attempted murder. Ang arrest warrants n’ya ay lumabas mula 2008 hanggang 2019. Halos pitong taon ding nagtago si Calsiyao at nahirapan ang awtoridad na masakote s’ya dahil gumagamit s’ya ng mga alyas na Yag-ao, Lucky, Laki, Mon at Red. Palipat-lipat ng lugar na pinagtataguan si Calsiyao at paiba-iba rin ang pangalang ginagamit kaya malaya s’yang gumagalaw, lalo na sa Metro Manila. Kaya lang, sa tulong ng Army intelligence at mga testigo, na-trace ag kinaroroonan ni Calsiyao at nagtapos ang maliligayang araw n’ya. Dipugaaaaa!
Sa pangunguna ni Col. Robert Lingbawan, QCPD DDDO bilang ground commander, intelligence chief Lt. Col. Rossel Cejas, CIDU chief Lt. Col. Edison Ouano, PS5 commander Lt. Col. Brian Jaime, SWAT-DMFB Maj. Boni Dulag, at Maj. Mark Ronan Balmaceda, sinalakay ang Unit 1454 Sunny Villa Condominium, sa Pearl St., East Fairview at hindi na nakapalag si Calsiyao. Ikinasa ng tropa ang Oplan “Saccharum” na ang target ay para ma-neutralize si Calsiyao. Sinabi ni Silvio na halos isang buwan ding minanmanan ng tropa ang galaw ni Calsiyao sa condo unit nya, na may ibang nagbabayad ng renta. Hindi na kumibo si Calsiyao nang basahan s’ya ng tropa ng QCPD ng kanyang Constitutional Rights sa salitang naintindihan n’ya. At higit sa lahat, ang tropa ay armado ng dalawang alternative recording devices, ayon kay Silvio. Mabuhay ang QCPD! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Si Calsiyao ay dinala sa Quezon City General Hospital for physical examination bago dalhin sa opisina ni Ouano para naman sa appropriate documentation. Ang arrest warrants n’ya ay ibabalik sa court of origin. Hindi naman masabi ni Silvio kung may reward na itong si Calsiyao dahil posibleng may naghulog sa kanya. Abangan!
- Latest















