^

PSN Opinyon

DA malaki pananagutan sa mga magsasaka

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Ang laki ng pananagutan ng Department of Agriculture sa ating mga magsasaka saang mang panig ng ating kapuluan.

DA Secretary Francisco Laurel sagutin nyo ng maayos bakit imbes na maging masagana ang kita ng ating mga magsasaka sa paggamit ng pinamudmud nyong Triple 14 eh naging tuyot ang mga pananim nila at hindi na pakinabangan  dahil parang dinaanan ng delubyo dala ng demonyong Triple 14 na ‘yan na ayon sa mga magsasaka dito sa Mindanao ay peke nga ang Triple 14.

Inamin naman ng DA ang problema sa Triple 14 at hayon pinahinto nga ang distribution at procurement nito.Paldo-paldo ang mga umangkat nito ah.

Ayon sa mga magsasaka rito sa Mindanao ilang libong kaban na ng Triple 14 and naipamigay na sa mga magsasaka natin. Napag-alaman ng mga magsasaka natin na ang Triple 14 ay peke nga ang ilan sa kanila ay nakagamit na nito at nang ito ay ginamit sa mga pananim, imbes na maging malusog at buhay na buhay ang mga taniman, sila ay naging payat at tila lumiit imbes na lumaki ang mga ito.

At kung ito ay hinahalo sa amonium, nalulusaw ito at amonium lang ang naiiwan, Nasaan naglaho ang Triple 14.

Ang hinaing ng ating mga magsasaka ay imbes na tulungan na sila dahil naghihingalo na nga sila, lalo pa silang dinidiin ng ating DA. Ano ba Secretay Laurel?

Unang binigay ang mga ayudang binhi sa ating mga magsasaka at sumunod ang abuno na Triple 14 makalipas ang tatlong buwan, at malaking palpak nga ang Triple 14 ni Laurel.

Secretary Laurel managot ang dapat managot sa mala-delubyo nyong Triple 14.

LAUREL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with