Sec. Laurel, hubaran mo ng maskara si Mr. A!
Ipinasuspinde ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang limang fertilizer suppliers, na pinaghinalaang nasa likod ng pagdeliber ng “basurang” abono at farm supplies sa mga magsasaka sa Pinas. Sa biglang tingin, kahanga-hanga itong hakbang ni Boss Laurel. Kaya lang, sinabi ng mga kosa ko, na mukhang palabas lang ito ni Boss Laurel dahil inilalayo lang n’ya sa isyu si alyas Mr. A, na gumagamit ang pangalan n’ya upang “gatasan” ang mga magsasaka ng milyones.
Dapat nang hubaran ng “maskara” ni Boss Laurel itong si Mr. A at s’ya ang patawan ng sandamakmak na kaso dahil s’ya ang pasimuno ng raket, at itong limang fertilizer suppliers ay kasapakat lang n’ya. Madali lang naman makikilala ni Boss Laurel si Mr. A at ang gagawin lang n’ya ay rebisahing maigi ang mga biddings kung saan ang mga suppliers ay todo “dive” sa presyo. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! ‘Wag iwas pusoy boss Laurel!
Ang mga pinasuspinding suppliers ay ang Agri-Victorius Trading Corp., DQB Green Agricultural Products Trading, Valap Inc., Dos Asia Chemical Trading Corp., at Rova Fertilizer Manufacturing. Tinawag ni Boss Laurel na “highway robbery” ang raket na kinasangkutan ng limang suppliers. Mukhang tumama rin si Sec. Laurel ah. Ang masakit, binayaran sila ng gobyerno sa tamang presyo pero ang idineliber, tila “basura” na hinaluan lang ng konting Urea. Sanamagan!
Pero teka lang, Sec. Laurel. Dapat hindi lang ang mga suppliers na ito ang dapat mong “katayin.” T’yak may kakampi sila d’yan sa loob ng kagawaran. O may isang “operator” at “fixer” sa loob mismo ng DA na pilit nagpakilala bilang ‘iyong “trusted man” o “bagman” at yaon nga ay si Mr. A, na binansagan ng mga kosa ko na “konduktor” ng orchestra sa procurement. At bakit takot ang mga Regional Executive directors ng DA kay Mr. A kung wala itong basbas kay Boss Laurel? ‘Yan po ang tanong! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ng mga kosa ko na itong si Mr. A ang nagmamanipula umano ng mga specifications ng farm supplies para paboran ang mga ‘alagang’ suppliers. Itong mga suppliers na pinasuspindi ni Boss Laurel ay mga alaga kaya ni Mr. A. Purbidang yawaahhhhh! Hindi lang ‘yan! Ginagamit din umano ni Mr. A ang pangalan ni Boss Laurel para makapang-atado ng bilyon-bilyong halaga ng farm supplies? Ang masaklap pa rito, mga kosa, bukambibig daw ni Mr. A na malakas siya kay DA secretary. Talagang “name-dropping” to the max! Habang kumikita itong si Mr. A ng milyon-milyong piso sa bawat transaksyon, ang mga magsasaka naman natin ay luhaan dahil sa mga abono na walang bisa sa pananim at mga buto na hindi tumutubo. Ang sakit sa bangs nito!
Dahil kay Mr. A, ang Approved Budget for Contract (ABC) ay P72 Million para sa Urea, pero may nananalo sa bidding ay halagang P52 Million lang? Saan ka nakakita ng imported na Urea na P1,200 lang ang sako gayong ang SRP ay P1,800? Malinaw na may “magic” na nangyayari. Kung masyadong mababa ang presyo, asahan mong “double-dead” ang kalidad niyan. Baka 75% niyan ay dolomite na pampataba lang sa bulsa ni Mr. A at ng kanyang mga kasabwat! Dipugaaaaa! Kung seryoso ka sa paglilinis sa DA, walisin mo itong si Mr. A bago pa siya tuluyang makagawa ng “ghost project” na mas malaki pa sa P400 milyong nawala sa mga ghost farmers noong 2025. Abangan!
- Latest















