^

PSN Opinyon

Walang VIP sa kalsada!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

UMINIT ang ulo ni Sen. Raffy Tulfo matapos umalingaw­ngaw ang reklamo laban sa Boss Ironman Endurance Challenge dahil sa sunud-sunod na traffic violations at aksidenteng kinasangkutan umano ng ilang participants.

Sa pagdinig, mismong mga video ang inilatag sa mga rider na dumaraan sa red light, nagka-counterflow, at may bang­gaan pang nadamay ang inosenteng motorista. Hindi ito tsismis sa kanto. May ebidensya, may kuha, may galit ng taumbayan.

Diretsahang sabi ni Idol Raffy nakakapagod na raw ma­rinig ang reklamo ng mga pobreng tricycle driver na agad tini­tiketan kapag nagkamali sa kalsada, habang may ilang suma­sali sa endurance ride na tila walang takot lumabag sa batas. Tanong niya: dahil ba “Boss” ang pangalan ng event, lusot na?

Para sa marami, hindi ito usapin ng pagmomotorsiklo. Walang problema kung turismo ang pakay o kung may charity na kaakibat. Ang problema, kapag may namamatay, may nasu­sugatan, at may naaabalang ordinaryong mamamayan, ibang usapan na iyon.

Kinuwestiyon din kung may sapat bang skills assessment ang organizers. Marunong ba talaga sa batas trapiko ang lahat ng sumasali? Handa ba sila sa responsibilidad ng ga­nitong kalaking event sa pampublikong kalsada?

Mas mabigat pa ang alegasyon may mga ulat na hindi lang endurance ride ang nangyayari kundi may elementong karera, at may usap-usapan pa tungkol sa pustahan at uma­no’y mga personalidad na sangkot. Kapag ganyan na ang takbo ng istorya, delikado na hindi lang sa imahe kundi sa buhay ng tao.

Malinaw ang punto kung karera, dalhin sa tamang venue. Kung endurance, siguraduhing disiplinado. Ang kalsada ay hindi pribadong playground. Pag-aari ito ng publiko ng estud­yante, ng manggagawa, ng vendor, ng drayber na kumakayod araw-araw.

Sa huli, iisa ang panawagan ng masa pantay ang batas. Walang mayaman, walang mahirap. Walang “Boss” sa gitna ng traffic light.

Disclaimer: Ang artikulong ito ay batay sa mga pahayag at ulat na inilabas sa pampublikong pagdinig. Layunin nitong maghatid ng impormasyon at opinyon para sa pampublikong diskurso at hindi para manira o magparatang laban sa anumang indibidwal o organisasyon.

VIOLATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with