^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan malalambat mga wanted’ sa batas?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailan malalambat mga wanted’ sa batas?

DAMING nauuhaw sa hustisya sa bansang ito. Ma­ra­ming umiiyak sapagkat ang inaasam na kata­ru­ngan ay hindi pa makamtan. Matagal na silang umaasa na mahuhuli ang kriminal at “utak”, subalit bigumbigo sila. Hindi nila alam kung mahuhuli pa ang mga ito. Mahina ba ang galamay ng batas at hindi maabot ang akusado? Ipagpapasa-Diyos na lamang ba ang lahat?

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli si dating­ Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag. Si Bantag ang tinuturong “utak” sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid sa Las Piñas City no­ong Oktubre 3, 2022. Papasok sa kanyang radio program si Lapid nang pagbabarilin. Agad nahuli ang gunman na si Joel Escorial at inamin na binayaran siya ng P550,000 para patayin si Lapid. Itinuro ni Escorial si Bantag at ang deputy nito na si Ricardo Zulueta. Sinampahan ng kaso sina Escorial, Bantag at Zulueta. Nagtago si Bantag. Namatay si Zulueta nang atakehin sa puso. Hinatulan ng 16 na taong pagkabilanggo si Escorial.

Malaking katanungan ngayon kung nasaan si Bantag? Wala nang balita kung saan siya nagtatago. Maski ang DILG ay walang masabi kung nasaan si Bantag. Hamon sa Philippine National Police (PNP) ang nagtatagong si Bantag.

Isa pa sa pinaghahahanap ng batas at hindi rin ma­huli ay ang negosyanteng si Atong Ang na itinuturong “utak” sa pagkawala ng 34 na sabungeros. Nagtago si Ang makaraang ipag-utos ng Laguna Regional Trial Court na arestuhin ito kasama ang 17 iba pa na karamihan ay mga pulis.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, nasa Thailand si Ang. Iniimbestigahan na raw kung paano nakalabas ng bansa ang negosyante. Maaring sa back door daw ito nagdaan. Lumutang naman na tinulungan si Ang ng mga retirado at aktibong police general para makalabas ng bansa.

Isa rin sa pinaghahanap ay ang “malaking isda” na si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co. Kinasuhan siya sa maanomalyang flood control pro­jects sa Naujan, Oriental Mindoro. Nasa Portugal umano si Co, ayon kay Secretary Remulla. Hihilingin umano ng pamahalaan ng Pilipinas ang tulong ng Interpol. Hang­gang ngayon, walang balita kung kailan mahu­huli ang “malaking isda”.

May kakayahan ang mga alagad ng batas na ma­lambat ang mga pinaghahanap ng batas. O ipagpapasa-Diyos na lamang ng mga kaanaki ng biktima ang lahat. Gawin ng PNP at NBI ang kanilang tungkulin para malambat ang mga “wanted” sa batas. Ano ang silbi ng intelligence fund kung hindi gagamitin sa pagkakataong ito. Isilbi ang hustisya sa mga kaanak ng biktima.

BUCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with