^

PSN Opinyon

Gen. Nartatez, bigwasan mo ang jueteng ni Kap Nemo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

STOP na ang Small Town Lottery sa Albay. Ang dahilan? Hindi ang raid ng mga bataan ni PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda mga kosa, kundi dahil sa awayan ng mga magkasosyo o financiers ng STL. May balita pa na hahantong ito sa korte. Purbidang yawaahhhhh! Kahit pansamantalang sarado ang STL, tuloy naman ang operasyon ng jueteng ni Kap Nemo, at katunayan ang labas ng bola nila noong 4 p.m. ng Biyernes ay 22x21, samantalang 36x5 naman sa 8 p.m.

Pinangalandakan ni Miranda na si Kap Nemo ang operations manager ng STL sa Albay. Pero kung sarado na nga ang palaro ng PCSO, di jueteng na ang kalakaran nina Kap Nemo at Archie Merccado, di ba mga kosa? Anong sey mo Boss Jun Alegre?

Sa ganitong sitwasyon, ang lugi dito ay ang gobyerno ni President Bongbong Marcos dahil hindi na makapagbayad ng kanilang PMRR sa PCSO itong STL dahil sarado nga. Subalit puno naman ang bulsa ni Kap Nemo at kaalyado, di ba Albay Gov. Noel Rosal Sir? Anong birtusyo….este birtud meron itong si Kap Nemo at hindi magalaw-galaw ang jueteng n’ya? Si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. kaya na galit sa “paihi”, cigarette smuggling at iba pang illegal, makakaligtas si Kap Nemo at alipores n’ya? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung tutuusin, walang pinaliligtas si Gen. Nartatez sa mga illegal, maging sa kampanya kontra droga. Katunayan, mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 20, umaabot sa P469 milyong halaga ng droga ang nakumpiska sa kasagsagan ng kampanya ng PNP sa buong Pinas. “Ang mga resulta na ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng ating mga kapulisan at mga komunidad laban sa ilegal na droga. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon sa paraang maayos, legal, at may paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan,” ayon kay Nartatez. Binigyan-diin n’ya na ang kampanya ay nangangahulugan ng pagprotekta ng pamilya, at kumunidad sa masamang epekto ng droga. “Hindi lamang ito tungkol sa dami ng operasyon o halaga ng mga nakumpiskang kontrabando. Ang mahalaga ay mas maraming komunidad ang nagiging ligtas at mas maraming mamamayan ang nagkakaroon ng kapanatagan,” aniya. “ We will sustain these efforts and continue working with our partners to preserve peace and order throughout the country,” ang dagdag pa ni PNP chief. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa report, nagsagawa ng kabuuang 3,420 operasyon ang PNP sa nasabing period na nagbunga ng pagkaaresto ng 4,168 katao na nakuhanan ng shabu, marijuana, cocaine, at iba pang bawal na gamot. Ang PRO CAR ang nanguna sa accomplishment na may P225-M na nakumpiskang droga, pumangalawa ang PRO6 na may P52-M at NCRPO sa P28-M. Si Kap Nemo kaya kelan dadamputin? Abangan!

STL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with