^

PSN Opinyon

Mga pangyayaring may kinalaman sa PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SINIBAK ang 46 na chief of police sa Police Region Office-6, Western Visayas. Sinibak ang mga hepe ng pulis bilang bahagi nang pag­lilinis ni PRO-6 Director BGen. Josefino Ligan sa utos naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Nagtataka ako dahil kadedeklara lamang ng PRO-6 na 79 percent ng mga barangay sa Western Visayas ay drug free na. Bakit kaya sila sinibak? Nalaman ko na maraming hepe ng pulisya sa PRO-6 ang nagpapataba lamang ng ka­nilang tiyan. Bihira raw magpatrulya ang mga pulis lalo na sa gabi. Wala raw ni isang pulis na makikita sa lansangan. Baka natutulog sa presinto.

Kung may mga pulis na nagpapatrulya  sa gabi, madadakma nila ang mga abusado at mayayabang na motorcycle owners na nagmo-modified ng mga tambutso kaya napakaingay sa gabi. Humaharurot ang mga motorsiklo kaya nababasag ang taynga ng mga natutulog.

Alam kong trabaho ng Land Transfortation Office (LTO) ang paghuli sa mga abusadong motorcycle driver na may modified muffler subalit dahil sa kakulangan ng kanilang mga personnel nararapat lamang na ang mga kapulisan na ang magsagawa ng paghuhuli sa mga ito dahil maging sa kanilang mga police station ay nagugulantang din naman sila sa sobrang ingay ng mga tambutso ng mga motorsiklo.

At para naman doon sa mga nagtatrabaho nang may katapatan sa mga kababayan kong Ilonggo ay nanghihinayang sila na maalis o mailipat ang kanilang hepe ng pulis dahil nabibigyan ng maayos na seguridad ang publiko.

May ilan naman sa mga kababayan ko ang nagpahayag na, walang ginaganap na trabaho ang kanilang hepe ng pulis kundi ang sumunod sa kumpas nang kanilang mayor.

Lumang tugtugin na ito at gasgas na sa publiko ang pa­giging masunurin ni Hepe kay Mayor. Subalit kung may nati­tira pang mga hepe ng kapulisan ang patuloy na kapit-tuko sa mga LGUs lalung-lalo na kay Mayor, nararapat lamang na ipatapon ito sa Mindanao upang mapakinabangan ang kanlang serbisyo sa paghabol sa mga terorista.

May kanya-kanya naman tayong pananaw sa pagseser­bisyo ng mga kapulisan, sa ngayon kasi mukhang inaalat si PNP chief Gen. Nartatez dahil puro pulis na naman ang nalala­gay sa balag nang alanganin.

Tulad na lamang sa Bulacan na pinatay ang isang pulis at inilibing pa sa septic tank. Ang masakit nito may mga kabaro ito na narooon din mismo nang mangyari ang pagpatay.

Kaya naman, inilatag ni DILG Sec. Jonvic remulla ang tumatagingting na P1 milyon sa ikadarakip ng mga salarin.

Samantala, sa Iloilo International Airport, nabaril ng isang pulis ang isang pasahero na nag-amok sa loob mismo ng terminal. Ang masakit nito, nalalagay pa sa hot water ang pulis na nakabaril dahil maraming pasahero ang nahintakutan.

Subalit nasa tama lamang na reaksiyon ang pulis dahil nasa bingit na rin siya ng kamatayan. Hinabol at inundayan na siya ng suspek ng patalim kaya napilitan itong bumaril.

Ganyan ang trabaho ng puls, kahit na nasa tama ay may tumutuligsa , subalit kung tutuusin para naman ito sa kaligtasan ng mga mamamayan.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with