^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Magbitiw na lang!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL â Magbitiw na lang!

Kawawa naman ang mga bumoto kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga. Luging-lugi sila sa ibinoto. Inasahan tiyak nila na may magagawa para sa kanila si Barzaga. Pero malaking kamalian sapagkat­ hindi nagtatrabaho si Barzaga dahil sa isinampang 60-araw na suspensiyon sa kanya noong nakaraang Dis­yembre 2025. Walang ginagawa si Barzaga. At maaaring sumusuweldo ito kahit suspendido. Baka patuloy ang pagtanggap ng mga benepisyo. Kung ganito ang buhay­ ni Barzaga na sumusuweldo kahit suspendido, talung-talo ang taumbayan na nagpapasuweldo sa kanya. Pina­kakain nila ang isang mambabatas na wala namang ginagawa.

At mukhang magtatagal pang pasanin ng mga bumoto sa kanya si Barzaga. Noong Miyerkules, muling pinatawan ng panibagong 60-araw na suspension si Barzaga dahil umano sa mga paglabag sa kondisyon habang suspendido. Sinabi ng House Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni 4Ps Partylist Rep. Jonathan Clement Abalos, na mula Disyembre 1, 2025 hanggang Enero 30, 2026, maraming nilabag si Barzaga na nakasira sa integridad at reputasyon ng House of Representatives.

Kabilang sa mga hindi magandang ginawa ni Bar­zaga habang nakasuspende ay ang pag-post niya sa social media na diumano’y sinuhulan ng negosyanteng si Enrique Razon ang ilang miyembro ng National Unity Party (NUP) upang suportahan ang speakership ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. Sinampahan siya ng P100-milyong cyberlibel case ni Razon.

“Unethical behavior” ang dahilan kaya ipinataw ang unang suspension ni Barzaga noong nakaraang taon na may kaugnayan sa sunud-sunod na atake sa gobyerno at pagpo-post sa social media ng mga malalaswang lirato ng mga babaeng naka-bikini.

Matapos ilabas ang suspension, tumayo si Barzaga sa plenaryo at sinabing tinatanggap niya ang desisyon ng komite sabay batikos kay President Ferdinand Marcos Jr. Bago iyon, ikinatwiran ni Barzaga na ang kinukuwes­tiyong facebook post niya ay pinoprotektahan sa poli­tical speech at in good faith umano sa public discourse kaugnay nang malalang korapsyon sa flood control projects.

Tiyak na habang nakasuspende si Barzaga ay mag­lalabas na naman siya ng mga hindi kanais-nais na mga post sa social media. Kapag nangyari iyon, muli na naman siyang sususpendihin.

Bakit hindi na lamang siya magbitiw sa puwesto at ituon na lamang ang panahon sa pagpo-post sa socmed­. Tutal din naman at walang napapakinabang sa kanya ang constituents, lisanin na niya ang Kamara. Dinudungisan lang niya ito.

FRANCISCO “KIKO” BARZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with