^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan malalambat ang ‘malalaking isda’?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailan malalambat ang ‘malalaking isda’?

Lumipas ang Pasko pero walang naipakulong na mga “bigtime” na magnanakaw ng pondo ng bayan. Anyare sa pangako na bago magpasko ay may makukulong. Hindi malilimutan ang sinabi ni President Fer­dinand Marcos Jr. na hindi magiging “merry” ang Pasko ng mga kurakot sapagkat sa kulungan sila aabutan nito. Hindi lang ang Presidente ang nangako kundi pati si DPWH Secretary Vince Dizon. Tiyak daw na may ma­ku­kulong na mga sangkot sa flood control projects bago magpasko.

May nakulong naman pero hindi nga lang “malaking isda”. Ang contractor na si Sarah Discaya at walong iba pang akusado ang tanging naikulong noong Disyem­bre 20. Ikinulong sa Lapu-Lapu City Jail, Mactan, Cebu sina Discaya dahil sa graft at malversation of public funds kaugnay sa P96.5-bilyong flood control ghost pro­ject sa Davao Occidental. Humiling naman si Discaya na ibalik sila sa NBI detention facility sa Pasay City. Hini­hintay pa ang sagot ng korte sa request ni Discaya.

Kailan makukulong ang mga “malalaking isda”? Ito ang hinihintay ng mamamayan. Noong nakaraang taon, nagkaroon nang malaking rally na hinihiling na mahuli, makasuhan at maikulong ang mga kawatan.

Itinatag ni Marcos ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) subalit walang nakikitang progreso. Dalawang miyembro ng ICI ang nagbitiw na sa puwesto.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli si dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co na sangkot­ sa multibilyong project sa Naujan, Oriental Mindoro. Kan­selado na ang passport ni Co na ang Presidente pa ang nag-anunsiyo.

Naglabas ng mga series ng video si Co noong Oktubre na nag-aakusa kina PBBM at dating House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng P100 bilyong inser­tions sa 2025 budget. Ginamit umano siya ng dalawa.

Ibinunyag ni Co na siya mismo ang nagdala ng male-maletang pera kay Marcos at Romualdez sa mga bahay nito sa Forbes Park at nagdala rin siya sa Malacañang. Siya raw at kanyang mga security ang nag-deliver ng pera at walang napunta sa kanya. Lahat daw nang insertion sa 2025 budget ay napunta kay PBBM. Ipinakita rin ni Co ang video ng mga maleta na pinaglagyan umano ng perang idiniliber ng kanyang dating aide na si Orly Guteza sa Malacañang at Forbes Park.

Kailan malalambat at makukulong ang mga “mala­la­king isda”? Naiinip na ang mamamayan. Gusto na nilang maparusahan ang mga magnanakaw.

PONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with