^

PSN Opinyon

Pagbabagong nararamdaman sa SJDM

SEY NI MANONG JOE - Joe Zaldarriaga - Pilipino Star Ngayon

May nakikitang pagbuti sa water system ng San Jose del Monte, Bulacan sa unang isang daan araw ng Metro Pacific Bulacan Water (MPBW).

Sa ilalim ng Metro Pacific Group na pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, MVP, tumaas nang halos 10% ang average daily water production—mula 131.55 million liters per day (MLD) noong Mayo patungong 145.09 MLD noong Setyembre.

Malaking bagay ito para sa isang water system na ma­raming problemang kailangang tugunan.

Nang mag-takeover ang MPBW, 11 lamang sa 34 pumping stations ang operational. Nasa 47% din ang non-revenue water, o tubig na nawawala dahil sa leaks at iba pang technical at commercial losses.

Sa unang 100 araw, 789 sa 1,135 natukoy na pipeline leaks ang nakumpuni. Tatlong deep wells din ang muling pinagana, na nagdagdag ng 1.5 MLD sa suplay.

Pinalawak din ng MPBW ang tanker capacity mula apat tungong 22. Umabot sa 6,833 tanker trips ang isinagawa upang makapaghatid ng mahigit 44 milyong litro ng tubig sa 51 barangay habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon.

Hindi pa tapos ang trabaho. May mga kabahayan pa ring nakararanas ng mahinang pressure at intermittent supply. Kaya sa susunod na 100 araw, prayoridad ng MPWB ang pagsasaayos ng pumping stations, mas agresibong leak detection at pagbabawas ng water losses.

Para sa akin, ipinapakita ng unang 100 araw kung ano ang maaaring magawa kapag may malinaw na direksyon, agarang aksyon at kinakailangang investment. Magandang simula na ipinapakita sa ilalim ng MVP Group. Ang susunod nitong hakbang ay gawing mas ramdam ang mga pagbabagong ito sa bawat tahanan.

Dahil sa huli, simple lang ang sukatan ng magandang serbisyo: sapat, maaasahan at tuluy-tuloy na tubig para sa bawat pamilya.

BULACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with